Chapter Six

991 29 1
                                    

Kinabukasan ay ganoon na naman. Naabutan ko si Spade na naghihintay sa labas ng Stanley Building at nang makita niya ako ay sinalubong niya ako habang may ngiti sa kanyang labi. Nginitian ko rin ito. Tulad din kahapon ay may dala siya dalawang kape.

"Good morning, Cel." Masayang bati niya sa akin habang iniaabot ang mainit init pang kape sa akin. Hindi ko naman iyon hinindian, sayang effort niya e.

"Good morning din, ba't 'di ka pa naunang pumasok sa loob?"

"Gusto kitang ihatid sa office niyo e." He stated and smiled.

"Bakit naman? Kaya ko namang maglakad mag-isa ah."

"Nothing. I just want to. Masama ba?" Nanunubok na tanong niya na siya namang singot ko na lamang ng pagkikibit balikat. Tulad ng sabi niyang dahilan kanina ay inihatid niya nga ako sa opisina. Parehas kaming nagulat nang maabutan namin doon si Atty. Kai na nakakakunot ang noo sa kung ano man ang ginagawa o binabasa niya sa screen ng laptop niya.

"Good morning." Sabay na bati namin sa kanya pero ni hindi man lang niya kami binalingan tingin. Mabingi ka sana, hmp!

Inihatid pa ako ni Spade hanggang sa matapat ako sa pwesto ko. Nang makaupo ako ay nginitian ko siya.

"Let's eat lunch meal together?" He asked with a smile and I just nodded as my response. His smile grew bigger as he received my response. He's about to say something when Kai interrupted him.

"Do not flirt on my place." He coldly said. Parehas kaming napalingon sa gawi niya. Flirting na ba 'to?

"Okay, Susunduin na lang kita ulit mamaya." Malumanay na sabi ni Spade.

"Okay, I'll wait." Tanging sagot ko. Aksidente akong napalingon sa direksyon ni Kai at nakita ko ang paglingon niya sa amin with disgusted look. Ano bang problema ng lalaking 'to?

"Sige na. Una na ako." Spade said and walked away. Nang tuluyan na siyang makaalis ay sinimulan ko na kaagad ang trabaho ko. Alam kasi na marami na naman iyon. Kailan nga ba kumonti ang trabaho ko? Siguro pagputi ng uwak.

Isa-isa ko na namang binasa ang mga bawat cases at ginawan ng mg written docu's ang nangangailangan. Nasa kalagitnaan na ako ng aking trabaho nang may isang case ang pumukaw sa akin, may bago na namang biktima ang mga hindi pa nakikilalang tao na hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin ang pulisya na tukuyin kung sino ang nasa likod ng karumal dumal na pagpatay.

Aira Montilla, that's the name of the latest victim. Nakakaawa ang hitsura niya, base sa nakikita ko sa picture ay basag ang ilong niya at punong puno pa siya ng pasa. Meron ding kung anu-anong hiwa sa katawan. May maliit at mayroon din namang napakahaba tulad na lamang ng hiwa niya na mula sa hita hanggang sa may paa niya. But unlike the past victims, walang nakaukit doon na random letters and numbers or even dots.

I saw the attached paper on it. Autopsy report. Madami iyon na magkakapatong, doon ko napagtanto na kasama noon ang mga autopsy report ng mga nakaraang biktima. Tulad ng inaasahan ko magkakaiba ang cause of death. May suffocating, multiple stabs, gunshot, at iba pa. Pero lahat sila may pagkakapare-pareho. They all have the sign of being engaged in sexual intercourse before they died, both man and woman. They are all a rape victim, I can say. Even me, If I were their parents, wife, child or whatever. I will seek for their justice, they deserve that justice. Years or even decade of being in jail is not enough for those who did this crime. No one have the right to do such acts.

I intently close my eyes and heave a breathy sigh.

"You're affected by this reports?" I almost jump when suddenly, Kai spoke.

"Grabe talaga manggulat ang isang 'to, baka mamaya atakihin ako sa puso, jusmio." I mumbled while touching where my heart was placed.

"What are you saying?" He asked, emotionless.

"Wala." Simpleng tugon ko saka naalala ang tanong niya kani-kanina lang.

"Nakakaawa iyong mga victims. Kung ako siguro ang kamag-anak ng mga 'yon, hindi talaga ako matatahimik." I blurted out and seconded it with a deep sigh. He sighed too and look at nothingness.

"Yeah, you're right. That's why we're really working hard about that. If it wont be solve sooner, there will be more upcoming victims." He sharply said. Nandoon ang matinding paghahangad na mahuli at matukoy na nila agad ang mga salarin.

"Nakakatakot...." I unconciously commented while having a goosebumps.

"Its frustrating. We only have little clues, we can't still figure out who's behind this. Especially now, I have many cases at my plate."

"You're already tired?"

"Silly question. Of course I am. Always. But I did not let myself build a room for tiredness. I need to keep working or else, all of my hardworks will be ruined."

"Don't tell me, eversince you became a lawyer you did not let yourself do chilling?" I asked.

"Then I won't say it." My jaw dropped. Ganoon siya kasipag na lawyer? Kaya naman pala ganoon na lang siya mafrustrate kapag may nagkakamali. Its his job. His field to serve justice that's why he don't allow mistakes.

"Kahit simple vacation lang?"

"I don't. Usually, I just have 3-5 hours of sleep. I'll consider myself lucky once I complete an 8 hours of sleep."

"I prefer working than having a vacation. Drinking at night before sleeping would be enough for me." He added.

"Wala ka ba man lang social life? Kailan ka huling nagbakasyon? Tsaka hindi ka ba nabo-bored?" Sunod sunod na tanong ko. Minsan lang naman kami magusap kaya susulitin ko na at tsaka halata naman sa kanya na hindi siya palaimik kaya isang opportunity 'to para sa akin.

"I don't need social life. I have my last vacation when I was 14 in Canada. Why would I be bored? My work keeps me busy at all time. No place for boredom." He flatly said and after that, he cleared his throat.

"By the way, make a subpeona for this persons." He ordered. Oh. Back to work, I guess.

"On it, Attorney." I smiled at him before going back to my work. Hours after engaging to my works, Spade knocks to the office's door to fetch me for our lunch meal.

He did not let me pay for our meal. After we ate, he sent me back to my office. When my working hours ended, I prepared myself before walking out of the office.

"I'll go now, Attorney. How 'bout you?" I asked. He just nodded.

"Later. Take care." He just said. Hindi na ako nagulat nang makasalubong ko si Spade. Heto na naman yung malapad niyang ngiti sa labi at matikas na paglalakad. Talaga namang gwapo siya pero ni crush ay wala akong nararamdaman para sa kanya samantalang siya naman talaga ang tipo ko.

Tulad nang mga nakaraang araw ay inihatid niya ulit ako hanggang sa sakayan ng taxi. Nanghahaba ang leeg ko habang nagaabang ako ng dadaan na taxi nang mapansin ko na hindi pa rin umaalis si Spade.

"Hoy, ba't 'di ka pa umaalis? Nauubusan ka ba ng gasolina?" I asked and he just let out a smile.

"Nah. I just have something to tell you."

"Hmm? Ano naman 'yon?" Kuryoso kong tanong at tyaka umisod palikod ng kaunti.

"I want to court you." Bigla niyang sabi na siyang munting nang magpapalaglag sa panga ko.

Di'ba ganto yun? Tulad sa wattpad? Sa ganito yun nagsisimula e tapos 'di ako papayag pero dahil gusto niya talaga ako ay susuyuin niya ako. Then, hindi magtatagal ay mahuhulog na din ako sa kanya tapos magiging kami. Magbabakasyon kami at may mangyayari sa'min, Oh my gosh! Tapos may mangyayari kaya hihiwalayan ko siya pero hindi ko alam na buntis pala ako tapos after five years ay magkikita na ulit kami tapos in the end, magkakabalikan kami--

He snapped his finger to my face.

"I said I want to court you, Cel."

"Huh? Bangag ka ba?" I asked without thinking. Honestly, I don't know what to say. Sanay na ako na may manliligaw na mas dugyot pa sa akin pero iyong tulad niya? Jusmiyo mahabagin. Iyon na lamang tuloy ang nasabi ko bago ko pinara ang paparating na taxi tsaka mabailis na sumakay doon. Narinig ko pa na ilang beses niya akong tinawag at sa katunayan ay tinangka niya pa akong habulin at ngayon, gusto ko na lang lumubog sa kinalalagyan ko dahil sa hiya. Hay, ang tanga ko yata

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon