Chapter Twenty-Eight

553 18 0
                                    

Maaga akong nagising. Hindi ko na ikinagulat nang magising akong magkayakap kami ni Kaizer. Hindi naman imposible 'yon dahil magkatabi kaming natulog.

Dahan-dahan akong umupo at tinitigan ang perpekto niyang mukha. Kahit tulog ay mukha siyang istrikto pero napakagwapo. Hinalikan ko ang ilong niya bago ako umalis sa kama at naligo.

Pagkalabas ko ay nakita ko na gising na si Kai kaya naman binati ko ito.

"Gising ka na pala, Good morning."

"I woke up because of a good morning kiss awhile ago, good morning too." Ngumisi siya. Napatungo tuloy ako dahil sa sobrang pula kong pisngi. Alam na alam ko kung ano ang pinapatungkulan niya.

"Ako na ang magluluto, maliligo lang ako." Paalam niya saka siya pumasok sa banyo.

Kakasara pa lang niya ng pinto nang makita kong umiilaw ang cellphone niya kaya lumapit ako at tiningnan 'yon. Tumatawag si Shane. Kinuha ko ang phone at lumapit ako sa pinto.

"Kai..."

"Yes, love?" Agad na sagot niya.

"A-Ah kasi tumatawag si Shane."

"Don't answer it."

"Pero baka importante."

"We have no connections at all, it's just a non-sense talk."

"Okay, i-decline ko na." Nang mapindot ko ang red button ay noon ko rin narinig ang pagbagsak ng tubig galing sa shower.

Nang mapatay ko ang tawag ay napunta na ako sa homescreen at nagulat ako nang makita ko ang mukha ko roon as his wallpaper. Tumatawa ako at sigurado akong kuha ang picture na 'yon noong pilitin ko siyang magbakasyon sa aming probinsya. Ngiting-ngiti tuloy ako nang iwan ko ang cellphone niya sa table. Chineck ko na rin ang wallet niya at lalong lumapad ang ngiti ko nang makita ko ang picture namin na iniligay ko doon.

Pagkabihis ko ay pinatuyo ko na ang buhok ko. Sakto naman na lumabas si Kai galing sa banyo na nagpupunas pa ng basa niyang buhok.

"I wanna blowdry your hair but first, I should cook our breakfast meal para makapag-almusal ka na."

"Ayos lang, kaya ko naman e." Sagot ko naman na tinanguan niya lang bago siya umalis para makapagluto na ng almusal.

Naging abala ang office hours namin ngayon at may mga pinuntahan ding emergencies si Kai. Walang tigil ang buong team sa pagtitipa at pagbabasa para sa mga kaso.

Sumasakit na ang ulo ko pero hindi ko na inalintana iyon dahil marami pa akong nakapilang dapat trabahuhin. Kung uunahin ko ang pagpapahinga ay siguradong mas matatambakan lang ako at sa huli ay mas mahihirapan pa ako sa trabaho.

Umuwi lang si Kaizer nang lunch time na. Hindi na rin kami nakalabas at nagpadeliver na lang ulit kami sa opisina.

"Okay ka lang ba? Pagod ka na?" Tanong ko sa kanya habang kumakain kami.

"Still okay. You? You look tired, magpahinga ka muna." Pamumuna niya sa akin habang ang mata niya ay nakatutok sa mata ko.

"I'll be. Ikaw rin kapag pagod ka na, magpahinga ka."

"Dito na ako magpapahinga mamaya, I' ll just rest if you're by my side and I know that you're in peace too." He smiled.

Hindi pa man kami nakakatapos kumain ay may tumatawag na ulit sa kanya.

"Atty. Stanley speaking." Pormal na sagot niya sa kausap. Saglit niyang pinakinggan ang kausap bago siya ulit sumagot.

"Alright, I'll be coming." Hindi pa man siya tapos kumain ay tumayo na siya.

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon