Chapter Thirty-Three

491 16 0
                                    

Binabagabag man ako ng napakaraming isipin ay nakuha ko pa ring maging kalmado. Linggo na ngayon kaya wala munang trabaho, kung tutuusin ay may pasok kami kahit na linggo dahil ang krimen naman ay hindi tumitigil kapag araw ng Linggo. Pero hindi naman ako papayag na papasok siya ng Linggo dahil in-approve-an naman ng company na ang sunday ay rest day.

"Date tayo?" Biglang tanong sa akin ni Kai na nasa likod ko.

"Huh? Sure ka d'yan?" Gulat na tanong ko. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin mula sa likod.

"Hmm-mm." Mahinang sagot niya bago inilubog ang kanyang mukha sa aking leeg.

"S-Sige. Anong oras tayo aalis?" Hinawakan ko ang kamay niyang nakayakap sa akin.

"Before 9. For now, just let me here, okay?" Sa bawat pagsasalita niya ay tumatama ang hininga niya sa aking balat kaya halos magtayuan ang balahibo ko.

"S-Sige..." Nagpaubaya ako at sumandal sa kanyang dibdib kaya nagkaroon siya ng mas maluwag na access sa leeg ko.

Nagtagal kami sa ganoong posisyon bago siya tuluyang umalis sa leeg ko.

"Mauna ka nang maligo, susunod na lang ako."

"H-Huh?" Gulat na tanong ko.

"I mean...maliligo na lang ako pagkatapos mo." Napapakamot sa tengang sabi niya.

"Ah, okay. Una na ako." Paalam ko saka pumunta sa kwarto. Bihis na ako nang pumasok din siya sa  kwarto para siya naman ang maligo. Nagtutuyo naman na ako ng buhok ko nang lumabas siya at laking gulat ko nang wala siyang pang-itaas na suot. Alam kong nakita ko na 'yon dati pero mas hot ngayon dahil may nagsisituluan butil ng tubig doon.

"B-Bakit wala ka namang suot na pang-itaas?" Hindi makatingin na tanong ko sa kanya.

"Sorry, nabasa kasi 'yong shirt ko. Kukuha na lang ako ng bago."  Balewala niyang sagot at saka lumakad papunta sa cabinet at humanap ng isusuot niya. Hindi kapani-paniwalang pati ang likod niya ay matipuno, napalunok tuloy ako.

Exactly 9 nang matapos akong mag-ayos. Nasa may pinto na si Kaizer kaya dumiretso na rin ako roon. Nang makalabas ako ay saka niya ini-lock ang pinto.

"Hindi ko alam kung saan maganda but I think you'll like to walk around a park..." napapakamot sa kilay na sabi niya habang nagmamaneho.

"Oo naman, surely magugustuhan ko 'yon." Nakangiti kong sabi. I was more than satisfied when I saw that he's now relieved. Gusto ko ay kalmado rin siya pagdating sa akin. Ayoko nang nap-pressure. I just want us to be happy and contented as we spend every second of our life.

Ang simoy ng preskong hangin ang sumalubong sa amin ni Kaizer nang makababa kami ng sasakyan. Ang luntiang paligid ay nakakagaan ng pakiramdam. Marami rin ang tao, ang iba ay isang buong pamilya. Habang tinitingnan ko tuloy sila ay namiss ko sina Mama.

Marami ang bench sa lugar, may gumagalang nagtitinda ng rosas, lobo, sorbetes at kung anu-ano pa. Bahagya ring maingay dahil sa mga batang nagtatakbuhan at naglalaro. Hinawakan ni Kai ang kamay ko at pinagsiklop iyon sa kanya.

Habang naglalakad kami ay kung anu-ano na ang pinagkkwentuhan namin. Karamihan ay mga kalokohan at nakakahiya't nakakatawang pangyayari sa buhay namin. Tawa tuloy kami nang tawa habang naglalakad.

"Naalala ko tuloy noong nagkafield trip kami, grade two pa lang ako. Katabi ko yung best friend ko at pinag-aagawan namin ang baon kong pancit canton pero syempre ayoko nang may kaagaw sa pagkain kaya hindi ko siya binigyan. Noong mabuksan ko na yung lunch box ko ay bigla niyang tinabig kaya lumipad 'yon at naglanding ang pancit canton ko sa ulo ng teacher namin." Napahagalpak ako pagkatapos kong sabihin iyon.

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon