TRIGGER WARNING❕: SEXUAL HARASSMENT
Ang maduming kamay ng lalaking nasa harapan ko ay humahaplos sa aking katawan.
"'Wag..." Umiiyak na pakiusap ko pero wala iyong naging epekto. Patuloy niya pa ring hinaplos ang balat ko. Lalong dumagsa ang luha ko.
"Please, maawa ka..." Umiiyak na namang sabi ko pero tila hindi niya ako naririnig dahil patuloy lang siya sa ginagawa niya.
Habang umiiyak ako ay walang awa niyang pinunit ang suot kong damit. Dahil sa lakas niya ay tuluyan itong nasira at ipinakita ang katawan ko.
Kumakabog ang dibdib ko habang kita ko ang malagkit na tingin ng lalaki sa katawan ko.
"Please, tama na. M-Maawa ka sa'kin...." I plead pero tulad kanina ay hindi niya man lang ako pinansin.
Lalong lumakas ang paghagulhol ko nang ang dila niya lumapat sa aking balat habang ang kamay niya ay inihahaplos pa rin niya sa akin.
"'Wag, please...Tama na..."
"No, please...huwag..t-tama na."
"No!" Sigaw ko at napabalikwas mula sa pagkakahiga ko.
Isang tingin ko pa lang sa paligid ay alam ko na agad na nasa hospital ako. Dahil sa masamang panaginip ay pawis na pawis ako kasabay pa noon ang malakas na pagtibok ng puso ko dahil sa kaba.
Ramdam ko ang sakit ng panga, labi, pisngi at noo ko. Ganoon rin ang hapdi sa aking dalawang braso. Muntik na ako roon kaya malaki ang utang na loob ko kay Kaizer at Trev.
Hihiga na sana ulit ako nang maagaw ng pansin ko ang lalaking nakaupo sa tabi ko, hawak niya ang kamay ko habang mahimbing siyang natutulog. Marahan kong iniangat ang kamay ko at bahagyang hinaplos ang kanyang buhok.
"Napakaamo talaga ng mukha. Parang anghel." Mahinang sabi ko habang pinagmamasdan siya.
Parang may kumiliti sa akin nang may naalala ako. Hindi ko sigurado kung totoo iyon o panaginip ko lang. O baka naman, guni-guni ko lang 'yon.
'You're saved now, love. I'm sorry that I am late.'
I smiled as I remember that line.
"Sana totoo." I wished. Huminga pa ako ng malalim bago ako dahan-dahang humiga ulit para matulog. I badly need rest, ngayon ko lang nararamdaman ang sakit at hapdi ng sugat ko.
Nagising na lang ulit ako nang makaramdam na ako ng gutom. Bahagyang naririnig ko rin ang dalawang taong nag-uusap na batid ko naman kung sino.
"You're awake." Sabay na puna nila sa akin.
Dahan-dahan akong umupo at sabay naman silang mabilis na nakapunta sa akin.
"You should just rest, Aurelia Celine." Matigas at seryosong sabi sa akin ni Kai.
"He's right, Cel." Segunda naman ni Trevor kay Kaizer.
"Okay naman na ako." Pangangatwiran ko at nginitian sila.
"What do you want to eat?" Tanong sa akin ni Kai, nilingon ko siya bago ako sumagot.
"Ano bang nand'yan?" I asked. May nakita kasi akong bag na lalagyan ng pagkain sa mesa.
"Adobo lang at white rice. Ako ang nagluto." Bahagya pa siyang napakamot sa kanyang kilay gamit ang hintuturo niyang daliri. Napangiti tuloy ako at agad na itinuro ang bag na iyon.
"Gusto ko 'yon. Akin na, iabot mo sa akin, Trev." Utos ko naman kay Trevor, siya kasi ang malapit sa mesa kaya sa kanya ko na pinaabot.
Mabilis na nakuha iyon ni Trev at iniabot sa akin. Nang hawak ko na 'yon ay hinawakan din ni Kai ang bag na tila pinipigilan niya akong buksan 'yon, nginitian ko lang siya. Walang makakapagpabago sa isipan ko.
BINABASA MO ANG
MY LAWYER STEP-BROTHER ✅
Romance|COMPLETED 2021| She was just a wattpad reader and in her own point of view, she had the chance to live the life she once wanted but the real question is... Could she have her desired oh-so-called happy ending when she's in a place wherein she don't...