Chapter Fourteen

715 20 0
                                    

Malakas ang kabog ng dibdib ko pero ang mga paa ko ay hindi ko maigalaw. Para akong nakalutang. Bahagyang nakaawang ang mga labi ko habang tulala ako sa paparating na malaking sasakyan. I called his name a lot of times in my head. Umaasa akong ililigtas niya ako and prayer answered, bago ako mabunggo ng sasakyan ay may tumulak sa akin.

Parehas tuloy kaming nasa mainit na semento ng kalsada. Doon ko pa lang narinig ang paligid. Maingay sila at puno ng takot at ginhawa ang mga mukha nila.

"Jusko! Kamuntik na ang batang iyon. Mabuti na lamang at dumating iyong lalaki!"

"Kung nagkataon ay paniguradong hindi 'yan mabubuhay."

"Grabe, ang bilis ng pangyayari. Muntik na muntik na talaga siya."

"Siguradong mat-trauma 'yang batang 'yan."

"Tumawag tayo ng ambulansya, may mga sugat sila."

Ilan lang iyon sa mga komentong narinig ko galing sa aking paligid. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang takot at kabog ng dibdib ko. Ang hapdi ng mga galos at sugat na natamo ko ay halos hindi ko na maramdaman. I'm still alive, I feel so blessed.

"Are you okay?" Mahinang tanong ng lalaki sa tabi ko. Gaya ko ay may mga sugat din siya.

"Yes. You? I'm sorry and thank you." I said with an utmost sincerity. Nerd look ang datingan ng lalaki. May salamin siya at naka polo with sleeves na stripes at may bag pa siya sa likod. Ganoon pa man ay labas na labas ang pagkamestizo at gwapo niya.

"Okay lang ako." Mahina pa rin ang tugon niya. Tila sa aming dalawa ay siya pa itong nahihiya. Ah, typical nerd.

"I'm Celine. Ikaw?"

"Trevor." Bahagya niya akong nilingon kahit nakatungo ang ulo niya. Binigyan ko siya ng ngiti na halos hindi niya suklian.

"Pwedeng makuha ang cellphone number mo? Gusto kong bumawi sa'yo." I insisted.

"Hindi naman kailangan. Hindi ako humihingi ng kapalit."

"Pero gusto ko, sige na. Please?" Pamimilit ko pa. Halata sa kanya ang pagaalinlangan pero sa huli ay napilitan pa rin siya na ibigay ang number niya sa akin.

"Salamat. Papasamahin kita sa clinic, ah? Kailangan ko na kasing umuwi." I smiled at him and when the nurses came out, I introduced him to them and asked them to take care of him.

Medyo mahapdi pa ang mga sugat na hindi ko na ipinagamot pa kaya naman mas lalo kong ginustong umuwi. Parang ang sarap matulog. Siguro ay magpapabili na lang ako ng mani kay Kai dahil hindi ako nakabili. Ni hindi man lang ako kinumusta ng driver ng truck pero hayaan na 'yon.

Pagdating ko sa bahay ay hindi ko na inasikaso ang mga sugat ko bagkus ay dumiretso ako sa kwarto ko at padapang sumalampak sa kama.

"Kapagod, shit." Bulong ko habang nakapikit. Mayamaya lang din ay tuluyan na akong nakatulog.

Nagising na lang ako dahil sa sunod-sunod na pagrring ng cellphone ko na nasa bag ko. Ang bag ko ay nasa kama ko lang din kaya rinig na rinig ko iyon. Tinatamad akong sumagot ng tawag kaya naman nakapikit kong kinuha ang phone ko at inisilent mode iyon bago inipower off. Hindi pa man nagtatagal ay nakatulog ulit ako.

Nang magising ulit ako ay kapansin-pansin na ang madilim na paligid. Nang lingunin ko ang orasan ay nakita ko magaalas-siete na ng gabi. Kaya naman pala madilim na. Nang tinangka kong bumangon ay napaigik ako dahil sa sakit ng katawan ko.

"Nakakainis." Bulong ko sa sarili. Gamit tuloy ang dalawang kamay ko ay iniahon ko ang sarili papunta sa headrest ng kama.

Late ko nang napansin ang tila ginamot kong mga sugat. May mga bandages na kasi ang sugat ko, pati ang mga simpleng galos ay mayroon din.

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon