Chapter Seven

926 28 0
                                    


Hanggang ngayon ay laman pa rin ng isipan ko ang sinabi ni Spade kagabi. Gusto niya ako? At liligawan? Alam kong maganda ako at marami talaga ang nagkakagusto sa akin pero ang isang katulad niya? I mean, he's handsome and decent tapos sa akin lang siya magkakagusto? Hay, ang ganda ko talaga.

Mataas kong pinuyod ang buhok ko pagkatapos ay kumindat sa harap ng salamin. Napailing ako pagkatapos.

"Nababaliw na yata ako." Bulong ko habang nagsusuot ng heels.

"Pero mas baliw pa rin si Spade. Baliw na baliw sa akin." Napahalakhak ako. Shit, epekto ba ito ng pagkakagusto niya sa akin.

"Baka naman lasing lang siya kagabi?" Tanong ko sa sarili nang matapos sa pagsusuot ng pampaa.

"E' paano kung hindi? Nakakahiya yung sinagot ko kahapon sa kanya." I can't stop remembering what I said to him last night. Sana lasing na lang siya kagabi at hindi niya na maalala ang nangyari kagabi. Tahimik na dasal ko. Talagang magpapalamon ako sa lupa 'pag nagkataon.

Bumaba ako sa kusina nang medyo lutang. Pero kahit na ganoon, hindi nakatakas sakin ang mapanuring tingin ni Kaizer.

"Good morning, 'nak." Mom greeted me and I greeted her back before greeting Dad and Kai.

I ate a light meal for my breakfast and had a cup of coffee. Tatayo na sana ako nang maunahan ako ng pagsasalita ni Mom.

"By the way, Kai and Cel, can you two do me a favor?" Tanong niya habang magkasiklop ang kamay sa ibabaw ng mesa. Naging alerto ako dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ko kasama ang pangalan ng supladong 'yun.

"Kai, magsabay na lang kayo ni Cel ngayon."

"Po? Hindi naman po sira 'yung sasakyan ah?" Agad na tanong ko. Alam ko naman kasi na ayaw akong makasama nitong si Kaizer.

"Hindi nga, pero you know, just a little bonding for the two of you. I noticed kasi na you two are not talking that much." She lightly smiled. Napatingin ako kay Kai, wala siyang ekspresyon at ang mata niya ay nakatuon lamang kay Mom. Nang marahil ay maramdaman ang tingin ko ay bahagya niya akong nilingon kaya naman kaagad akong nagbawi ng tingin ngunit hindi nakatakas sa akin ang bahagya niya pagngisi.

"Gagamitin ko rin ang sasakyan mo, Cel. I am planning to have a road trip today." She reasoned out again.

"Magttaxi na lang po--"

"Its okay. Lemme give you a ride, Cel." Kai cutted me off. Nahihiwagaan ko siyang binalingan ng tingin pero pinagtaasan niya lang ako ng isa sa mga makakapal niyang kilay. Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng utak ng isang 'to. Bahagya niya akong tiningnan.

"Let's go?" He asked and I just answered him with a simple nod.

Pagkapasok ko sa loob ng sasakyan niya ay agad namang sumunod siya at hindi ko akalain na napakabilis niya palang magmaneho ng sasakyan!

"May hinahabol ka ba?" Medyo malakas na tanong ko sa kanya pero ang gago, lalo pang binilisan ang pagmamaneho gamit lang ang isa niyang kamay. Habang ang isang kamay niya ay nakapatong sa nakabukas na bintana at bahagyang hinahaplos ang kanyang baba. Ugh, ang presko ng mokong na 'to!

"Wala." Walang pakialam na sagot niya sa tanong ko.

"Wala naman pala e'! Bakit ang bilis mong magpatakbo?!"

"May tumatakbo bang mabagal?" Pasaring niya at napairap ako sa narinig.

"Pilosopo ampota. Nakakainis."

"What?"

"Lolo mo what." I said and even made face. Nakakairita. Bahagya niya akong sinulyapan at bigla na lamang nanlaki ang mga mata niya. At nanlaki rin ang mga mata ko nang mabilis niyang itabi ang sasakyan at pumreno. Napasigaw tuloy ako. Dahil sa lakas ng impact ay ineexpect ko na mapatama ang noo ko sa harapan ko ngunit swerte na nang masalo ng kamay ni Kai ang noo ko.

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon