"Trev, I like you too."
"R-Really?---"
"But just as my friend. Nothing more, I am sincerely sorry."
"Oh." He said and chuckled bitterly.
"Sorry."
"No, you don't have to be sorry. All along, I really know that you like someone else."
"I literally don't know what to say. I didn't expect this because we just met for almost 3 to 5 times." I chuckled to ease the growing awkwardness.
"Yeah but liking someone doesn't involve meeting up because some people even fall in love with their partners without meeting them personally."
"By the way, I think you have some work-related matters to do. You can go now if you want." He insisted.
"Yeah. I'm sorry again. I hope that we can still be friends after this, I know that it's kind of unfair to you but I really don't want to lose a friend."
"Ofcourse."
"Okay, I gotta go now." I smiled on him before turning my back to him.
I'm ten step apart from him when I looked back on him. It saddened me seeing him in such state. He's leaning back in the wall while he is looking down. He looks devastated but I know that I can't do anything about it.
Napabuntong hininga pa ako bago ako tuluyang pumasok sa sasakyan. Nagulat pa ako nang makita ko si Kai sa loob ng sasakyan.
"Oh, ang bilis mo. And'yan ka na pala." Bati ko sa kanya pero parang akong tanga na bumati sa hangin dahil hindi man lang niya ako pinansin.
Nang maisara ko ang pinto ay agad niya na ring pinatakbo ang kotse kahit hindi pa ako nakakapaglalagay ng seatbelt.
"May hinahabol ka ba? Nagmamadali ka yata." Puna ko sa kanya pero tulad lang kanina ay hindi niya ako pinansin.
"Hoy, naririnig mo ba ako? Suplado mode on ka na naman ah." Biro ko sa kanya pero ni hindi man lang siya nagpakita ng kahit anong emosyon.
"Hay, talk to yourself, magandang Celine." Kausap ko na lang sa sarili ko saka ibinaling ang tingin sa labas. Mukhang bad trip na naman ang isang 'to kaya mas mabuting tumahimik na lang ako dahil baka mamaya ay suntukin na lang ako nito bigla.
Buong biyahe ay wala siyang imik maging nang makarating kami sa law firm ay ganoon pa rin siya.
"Hoy, may problema ba? Ang tahimik mo ah." Puna ko na naman sa kanya dahil hindi talaga siya umiimik.
As usual malamig niya akong tiningnan saka pairap na nag-iwas ng tingin sa akin.
"Tss." 'Yon lang ang naging sagot niya sa akin. Pwes, hindi kita titigilan ng pangungulit ko.
Hinila ko ang swivel chair ko papunta sa harapan ng lamesa niya at doon ako nanghalumbaba. Ilang beses siyang napatingin sa akin pero hindi naman siya umiimik. Tuloy lang ang paninitig ko sa kanya kaya kitang-kita ko ang mga galaw niya.
Muntik na akong masindak nang makita kong umigting ang panga niya bago siya nagbago ulit ng pwesto. Parang hindi siya makapagfocus kaya lalong sumaya ang puso ko. Hindi naman masamang umasa e, sabi nga nila, habang may buhay, may pag-asa.
"Alis." Malamig na utos niya pero hindi man lang ako gumalaw mula sa pwesto ko. Instead, I pouted and teased him.
"Aww, ang harsh mo naman." Napahilot na lang siya sa sentido saka napailing bago siya nagtrabaho ulit.
"Alis. Marami ka pang trabaho."
"Pwede naman 'yong mamaya e'." Kitang-kita ko ang naging reaksyon niya dahil sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
MY LAWYER STEP-BROTHER ✅
Romance|COMPLETED 2021| She was just a wattpad reader and in her own point of view, she had the chance to live the life she once wanted but the real question is... Could she have her desired oh-so-called happy ending when she's in a place wherein she don't...