Alas dose na ng gabi pero masagana pa rin ang mga luhang pumapatak mula sa aking mga mata. Hanggang ngayon ay kumikirot pa rin ang puso ko at nakakainis dahil pabalik-balik sa isip ko ang nangyari kanina.
Halos sabunutan ko ang sarili dahil gusto ko nang matulog.
"Nakakainis." Bulong ko saka suminghot. Tuluyan akong bumangon at pumunta sa may salamin. Mapula at puffy na ang mga mata ko.
Dali-dali akong naghilamos at nag-ayos. Itinali ko sa half-bun ang buhok ko. Nagsuot lang ako ng red dress at pumps. Isang pouch lang ang dala ko.
Pinatay ko muna ang ilaw sa kwarto ko bago ako tahimik na lumabas. Kanina ay ilang beses na kinakatok ni Kai ang pinto ng kwarto ko pero hindi ko siya pinagbuksan at ang mga tawag niya ay hindi ko sinagot.
Tahimik naman akong nakalabas ng bahay kahit puro nakalock na ang mga pinto. Hindi ko pwedeng gamitin ang kotse ni Kai dahil sigurado namang nasa kanya ang susi noon kaya nagtaxi na lang ako.
Nang makarating ako sa bar ay halos gustuhin kong bumalik na lang ulit sa bahay. Maingay at masyadong maliwanag ang bar. Madami ang mga taong labas-masok sa lugar.
Huminga ako ng malalim habang ang hawak ko sa pouch ay lalong dumidiin. Inalis ko ang lahat ng pangamba ko bago ako tuluyang pumasok. Ang malakas na musika at hiyawan ng mga tao ang sumalubong sa akin. Sa gitna ay marami ang nagsasayaw at karamihan sa kanila ay lasing na at wala na sa kanilang sarili.
Dumiretso ako sa unahan at humingi ng alak sa bartender. Matagal kong pinag-isipan kung iinumin ko ba o hindi ang nasa harap ko. Sa huli ay pikit-mata kong nilagok ang alak na iyon. Inisang inom ko lang iyon at lalong dumiin ang pagkakapikit ko nang gumuhit na sa lalamunan ko ang pait at init ng alak.
Nang mawala ang lasa ng alak ay humingi pa ulit ako hanggang sa hindi ko na tigilan ang pag-inom. Marami ang tumatabi sa aking lalaki pero kalaunan ay umaalis na lang sila dahil panay naman ang tanggi ko sa pag-aaya nilang sumayaw.
"Umiinom ka pala." Pamilyar ang boses ng lalaking bagong upo pa lamang sa tabi ko. Kahit na medyo lumalabo na ang paningin ko ay nilingon ko siya. May salamin sa mata, nakalongsleeves at jeans na bagay na bagay naman sa kanya. Trevor.
"Wow, pumupunta ka pala s-sa ganitong lugar?" I chuckled. Mukha siyang matino kaya hindi mo talaga aakalain na makikita mo siya sa ganitong klase ng lugar.
"Oo naman...kapag may problema lang." Bumuntong hininga siya bago bahagyang tumawa.
"Ako din. Sorry nga pala, hindi na kita napasalamatan ng ayos noong iniligtas mo ako."
"Hindi naman kailangan. Kumusta ka pala?"
"Uhh, ayos naman ako. Ikaw ba? Anong problema?" I asked him. Kahit hindi siya magsalita ay naaaninag ko sa kanyang mga mata na malungkot siya. Kailangan niya lang ng kausap at tagapakinig.
"Pwedeng magkuwento sa'yo?" Bahagya pa siyang tumawa para ibsan ang hiya niya.
"Oo naman. Bakit hindi di'ba? Kwento ka na, makikinig ako." I assured him with a smile. Mapait niya rin akong nginitian bago siya napatungo at saka nagsimulang magkwento.
"Family problems lang. Dapat nga sanay na ako. Simula noong bata ako, hindi ko naramdaman na may pamilya ako o kahit kaibigan." He chuckled but his tears was visible to his sad eyes.
"Parang katulong kung ituring nila ako. Umaalis at nagbabakasyon sila sa malalayong lugar once a month at ang kasama lang nila ay ang bunso kong kapatid. Habang ako naman ay nagbabantay lang sa bahay. Lagi akong nakaabang sa pinto at naghihintay na bumalik sila, nagbabaka sakali rin ako na baka may pasalubong sila sa akin."
BINABASA MO ANG
MY LAWYER STEP-BROTHER ✅
Romance|COMPLETED 2021| She was just a wattpad reader and in her own point of view, she had the chance to live the life she once wanted but the real question is... Could she have her desired oh-so-called happy ending when she's in a place wherein she don't...