Chapter Twenty-Three

633 22 0
                                    

Isang linggo na mula nang makatanggap ako ng hindi kaaya-ayang regalo. Unti-unti ko naman na itong nakakalimutan at tinutulungan din naman ako ni Kaizer kaya mas naging madali sa akin ang paglimot sa regalong iyon.

Tatlong araw na rin simula nang mapalabas ni Kai mula sa dilim ang utak sa sunod-sunod na pagpatay sa mga kababaihan at ilang kalalakihan sa bansa na karumal-dumal ang pagpatay. It was really a big controversy in the country because the culprit was no other than our very own vice president, Mrs. Cantos.

We discovered that she has mental illness and once sent in a mental hospital. Her reason was those girls are her husband's mistress while the boys are her husband's friend that turned out his enemy. 

Mas lalong naging kilala si Kai at ganoon rin ang law firm niya. Marami ang gusto siyang ma-interview pero wala siyang pinaunlakan.

"Kai, why don't we have a little nightout later? Linggo naman na bukas. Para makapagchill ka naman, ilang araw ka nang abala sa mga case na inaasikaso mo." I suggested while we're having our breakfast.

"Gusto mo ba ng ganoon?" He asked me instead.

"Oo naman. Ano? Game ka mamaya?" Excited na tanong ko.

"Okay, sure. Tayo lang ba?"

"Sasama ako, baby." Sabat ni Shane pero hindi naman siya pinansin ni Kai. Natahimik tuloy kami dahil hindi naman siya sinagot ni Kai kaya ako na ulit ang bumasag sa katahimikan namin.

"Isasama ko rin si Trevor kung okay lang sa'yo."

"Gusto ko tayong dalawa na lang." Biglang sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko ipinakita iyon bagkus ay napalingon ako kay Shane na ngayon ay nakatungo na lang sa kanyang pagkain.

"Tapos ka na bang kumain?" Tanong niya habang iniimis niya ang pinagkakainan niya.

"Oo. Bakit? Tayo na ba?" Tanong ko naman bago ko inimis din ang pinagkainan ko. Saglit siyang napatigil bago ako sinagot.

"Yeah." Sagot niya naman saka kinuha ang iniimis ko. Nang makaimis na kami ay naunahan niya na rin akong kuhanin ang bag ko.

"Let's go, Celine." I nodded before facing Shane.

"Alis na kami, Shane." Pagpapaalam ko sa kanya pero pinagtaasan niya ako ng kilay saka umimik.

"So what? Edi umalis kayo, wala namang nagtatanong." Inirapan niya ako.

"Hindi ko naman sinabing nagtatanong ka." Ginaya ko ang tono niya saka ako umirap din bago ako sumunod kay Kaizer.

Buong maghapon kaming nagttrabaho lang sa loob ng opisina namin pwera noong lunch time dahil sabay kaming lumabas at kumain, sabay din kaming bumalik sa opisina at muling nagsimula ng pagttrabaho.

Alas sinco ng hapon nang matapos ko ang mga dapat kong gawin. Buti naman at walang court trial ngayong araw kaya hindi kami masyadong naging abala.

"May gagawin ka pa ba?" Kai asked nang makita akong nag-iimis na ng gamit ko habang siya naman ay tapos na rin sa trabaho niya.

"Wala na. Bakit, may ipapagawa ka ba?" Bahagya ko siyang sinulyapan habang inaayos ang mesa ko bago ako umalis.

"Wala. Let's have a snack nearby." Malamig na sabi niya saka naunang lumabas ng opisina. Sinundan ko ng tingin ang papalayo niyang likuran, napangiti ako.

"Aurelia Celine Gabrielle, umaasa ka na naman. Bruha ka talaga." Naiiling na sabi ko sa sarili.

Nang makalabas ako ng law firm ay agad kong nakita ang kotse ni Kai sa tapat noon. Madali akong pumunta at sumakay doon.

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon