Chapter Four

1K 38 0
                                    

"Good morning, Mom."

"Oh, Celine. Ang aga mo yata?" Takang tanong nito habang nakatalikod sa akin dahil nagluluto siya ng pang almusal.

"Ah. Madami pa po akong tatapusin e."

"Oh? You better eat your breakfast first."

"Hindi na po, Mom. Dadaan na lang po ako sa coffee shop."

"You sure?"

"Opo. Mauna na po ako."

"If that's okay to you. Take care, okay? And don't forget to eat on time."

"Yes, Mom. Kayo din po ni Papa." Ngiti ko sa kanya bago ko siya hinalkan sa pisngi at tuluyang umalis.

Tulad ng sinabi ko kay Mom ay dumaan muna ako sa isang coffee shop para bumili ng breakfast ko. Habang ginagawa ko ang mga dapat kong gawain ay kumakain naman ako ng breakfast ko. Mas maluwag naman ang sched ko kaysa kahapon. Mukhang hindi naman ako ganoong mapapagod, buti naman.

Exactly 8 am nang dumating si Kai pero hindi naman din siya nagtagal. Ang alam ko, may court trial siya ngayon kaya naman kahaponnay dali dali niyang pinagawa sa akin iyong mga subpoena para sa mga witness na kailangan niya sa case na iyon. Well, sana lang manalo siya. Mukha naman siyang magaling na lawyer e kaya malay mo naman, baka nga manalo.

Kahit na medyo kakaunti naman ang mga gagawin ko ay tinutukan ko pa rin ang mga gawain ko. Mayamaya lang ay tinanggal ko ang sapatos na suot ko dahil medyo kumikirot na naman ang sugat ko sa paa na nakuha ko kahapon.

Hindi pa ako nagllunch pero dahil nalipasan na ako, hindi na ako makaramdam ng gutom at gana sa pagkain kaya naman binalewala ko na lamang iyon. Mayamaya lang ay pabalyang nabuksan ang pinto na halos ikatalon ko na. Napahawak tuloy ako sa aking dibdib, aatakihin ako sa punyemas na ito ah!

"Magdahan dahan ka naman--"

"Did you know that I almost lost in the trial because of what you did?!" He shouted. His eyes were cold and he's scary.

"Huh? I-I don't know what you're t-talking abou---"

"Shut your mouth. A failure legal assistant, tsk." Para akong isang lobo na tinusok ng karayom. Anong sabi niya? Ako? Isang palpak?

"Teka naman. Ano bang kasalanan ko? Ano bang nagawa ko para pagsalitaan mo ako ng ganyan?" Matapang na tanong ko sa kanya kahit ang totoo ay pinipigilan ko lamang ang mga luha ko.

"Psh. Hindi mo naman pala kaya sana nagquit ka na lang. Edi sana nakahanap agad ako ng bago. Sayang naman ang opportunity nila." Matigas na sabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Na wala akong kwentang legal assistant? Hindi ba niya nakita ang mga effort ko?

"Ano ba kasi ang naga---" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang talikuran na niya ako at walang ano-anong umalis sa opisina.

Ilang segundo pa akong nakatayo doon bago ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Nakayuko akong lumabas ng opisina at pumunta sa isang bakanteng room.

Pagkasarado ko pa lang ng pinto ay nagsituluan na agad ang mga luha ko. Nakakainis!

"Balewala lang ba lahat yun? Nalipasan ako ng gutom at sobrang napagod dahil sa tambak na trabaho tapos sasabihan niya lang ako ng palpak?!" Pabulong na sabi ko para kahit papaano ay mailabas ko ang sama ng loob ko.

"Napakaunfair mo, Kaizer Stanley!" Natigil lamang ako sa paghikbi ko at pag-iyak nang may biglang kumatok. Pinilit kong punasan ang mga bakas ng pag-iyak ko at inayos ang bahagyang nagusot kong damit.

Nang mabuksan ko ang pinto ay pinanatili ko ang nakayuko kong ulo. Nagulat ako nang tumambad sa akin ang maputing kamay na nagaabot ng panyo. Inangat ko ang ulo ko at doon ko nakita ang nagmamay-ari noon. Maamo ang mukha niya at mestizo siya.

"Here. Tanggapin mo. I heard you're crying so here." Tukoy niya sa panyong inooffer sa akin.

"No need. Salamat na lang." Sabi ko at nginitian siya.

"Tanggapin mo." Ulit niya.

"Hindi, 'wag na. Ayos lang ako, salamat talaga." Muling tanggi ko sa inaalok niya.

"Kung hindi mo 'to tatanggapin, ako mismo ang magpupunas d'yan sa luha mo." Nakangiting banta niya sa akin. Tiningnan ko ulit siya bago ko dahan-dahang inabot ang panyo niya.

"Wag kang magalala, aalis na din naman ako. You can cry all you want, Miss. Cheer up na din." He smiled.

"Thanks."

"Welcome. Bye, see you around, Miss." Nakangiting aniya bago ako tinalikuran at nagsimulang maglakad palayo sa akin pero hindi pa man siya nakakatatlong hakbang ay lumingon ulit siya sa gawi ko, pinagtaasan ko naman siya ng isang kilay.

"By the way, I'm Spade. May I know your name too, Miss?" He asked and smiled while wiggling his brow. He's handsome and  tall.

"Celine." I just simply said. Hmm, passed na naman siya sa standard ko, pwede na rin.

"Okay. Nice name, Miss Celine pretty." He smirked. I arched my brow again, he has good eyes, I guess. Pretty? Nah, I'm beautiful but nevermind.

Nang hindi ko na siya matanaw ay dumiretso na ako sa cr. Dumiretso ako sa cubicle at palabas na ako doon nang may marinig akong papasok na naguusap.

"Buti na lang talaga at magaling 'yang hot na si Atty. Kaizer, kung hindi ay paniguradong matatalo siya."

"Oo nga, grabe lalo akong humanga sa kanya. Ang tali-talino niya talaga!" Hagikhik ng isang babae.

"Kung bakit ba naman kase hindi dumating si Mrs. Reyes, e siya pa naman itong pinakamahalagang witness. Akala ko ba ay papadalhan siya ng subpoena?" Napakunot ang noo ko. Ito ba ang tinutukoy ni Kaizer? Dahil ba talaga sa isang subpoena na hindi ko naibigay ay muntik na siyang matalo at hindi maibigay ang hustisya na dapat? Napaisip ako. Well, he's right. Wala pala talaga akong karapatan na umiyak at magalit sa kanya kasi kasalanan ko naman talaga, tama nga siya, baka nga isang palpak na employee lang ako.

Hindi ko na nasundan pa ang pinaguusapan nila, namalayan ko na lang na umalis na sila. Dahan dahan akong umalis sa cubicle at pumunta sa harap ng salamin, I need to say sorry to him. Huminga ako ng malalim bago ako tuluyang lumabas ng cr.

Pagkapasok ko sa opisina ay agad kong kinalkal ang bag ko, doon ko nakita ang subpoena na para kay Mrs. Reyes. Lalong bumigat ang pakiramdam ko, may pinupunto nga naman siya. He almost lost the case because of my negligence.

Napukaw lang ako nang may pumasok sa opisina. Agad na nahatak noon ang atensyon ko kaya naman agad kong tiningnan kung sino iyon. It's him. Kaizer. Diretso niya akong tiningnan habang naglalakad siya papunta sa gawi ko.

Sesermonan niya ba ulit ako? Well, I deserve all of those and I will accept that pero bago yun, gusto ko munang humingi ng pasensya sa mali ko.

Tumigil siya sa tapat ng table ko kaya naman tumayo ako pero hindi ko siya maharap ng ayos at hindi ko siya matingnan sa mata kaya naman pinili ko na lang na itungo ang ulo ko.

"I'm sorry."

"Sorry, Attorney Kaizer." We said in chorus. Nagulat ako kaya naman napatingin ako sa kanya. Kunot noo ko siyang tinanong.

"Bakit ka nagso-sorry?"

"I shouldn't raise my voice awhile ago." He said and looked away.

"Naiintindihan ko naman at tsaka kasalanan ko naman talaga."

"No." He defended and I questioningly looked at him.

"I mean, it's just a little mistake. Let's just let things slide."

"Sorry pa rin." Pilit ko habang nakayuko.

"Are you really sorry?"

"Oo naman."

"Then look at my eyes and say you're sorry." He demanded. I looked at him with a forehead creased.

"If you don't want then whatever." He act like he's going to go so I looked at his eyes in an instant.

"I'm really sorry." I sincerely said.

"Apology accepted." He said and....smiled. He smiled? Did I saw it right? A Kaizer Stanley freaking smiled! Or I'm hallucinating? Ugh, whatever!

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon