Chapter Thirty-Nine

439 13 0
                                    

Ilang linggo na simula nang lumipat ulit kami sa bahay nina Mom pero walang pagbabago ang aura sa buong lugar. Laging tensyonado at akala mo ay mag-aaway-away.

Madalas kaming pasaringan ng mag-asawa pero madalas din na hindi na lang namin sila pinapatulan. We didn't let them affect our growing relationship. We don't allow boundaries for the two of us.

Hindi pa ulit ako kinukumbinsi ni Mom na hiwalayan si Kai pero alam kong gagawin niya ulit iyon but I won't allow her to succeed. I know that Kai is true to his word, he won't give me up and so I do. I love him and loving someone requires you to be tough and brave. Thus, you can endure pain and conquer lots of problems.

He's all I got in this world. My Mom is not actually my Mom, I was just a substitute in this world. My Dad is not real too but Kaizer, he's my love. Siya lang ang totoo sa mundong ito. And one thing is for sure, I will keep him until the end.

Linggo ngayon kaya chill-chill lang. Sikat na sikat na ang araw pero hindi pa rin kami bumabangon. Si Kai ay hanggang ngayon ay tulog pa. Humilig ako sa kanya at yumakap saka ako pumikit ulit. Masarap sa pakiramdam kapag malapit lang siya sa akin kaya naman kapag nalalayo siya o nawawala sa paningin ko ay hinahanap ko siya kaagad.

Narinig kong bumukas ang pinto kaya mas lalo akong umastang tulog. Dinig ko ang papalapit na footsteps. Magaan lang ang bawat tapak niya sa sahig kaya alam kong babae iyon. It's probably Mom.

"Tsk tsk. Paano ko ba paghihiwalayin ang dalawang bata 'to? Ang titigas ng ulo." Nakumpirma ko ang pagkakakilanlan ng babae nang bumulong ito na tila ba problemadong-problemado siya. Sa isip ko ay sinagot ko ang tanong niya. Paano kami mapaghihiwalay? Wala. Walang solusyon dahil hindi naman namin bibitawan ang isa't-isa. Hindi kami maghihiwalay.

"Kapag hindi ko sila napaghiwalay, siguradong masisira ang inaalagaan kong pangalan namin. Mga kabataan nga naman..." Ilang minuto pa siyang nanatili bago ko narinig ang pagbukas at sarado ng pinto. Iminulat ko ang mga mata ko, wala na siya.

Hindi ko inabalang gisingin ang katabi ko dahil tulog na tulog pa ito. Late na siyang natulog dahil may mga tinapos pa siya para raw wala na siyang poproblemahin ngayon. Tulad ng nakasanayan ko ay wala na naman siyang suot pang-itaas. Parang model lang. Tinitigan ko ang mukha niya.

Ang gwapo ng boyfriend ko! I giggled. Kung nasa condo kami ngayon ay ipagluluto ko siya ng breakfast  kaya lang ay bilin niya sa akin na huwag na lang akong lumabas ng kwarto kung hindi ko siya kasama.

"Hmm..." He groaned. A sign that he's now awake. I pretended that I'm not looking at him. I straightened my gaze.

"Good morning, love." He greeted me with a sleepy voice. He pulled me closer and buried his head in my neck.

"Good morning. You slept well?" I asked him. Kinusot-kusot pa niya ang mata.

"Yeah because I'm beside you." He smirked so I pinched his cheeks.

"Aw, love. You're pinching me way too hard." Angal niya sa akin.

"Ang cute-cute mo talaga." Lalo kong pinanggigilan ang kanyang pisngi kaya todo angal na naman siya.

"Love, aw. Bitaw na, ang shakit na!" Marahan niya ang pinapalo ang kamay ko kaya nginusuan ko siya.

"Edi 'wag, hmp." Mabilis akong umalis sa kama at nagdadabog na naglakad. Siya na nga itong nilalambing e!

"Hey! You mad?" Tanong niya pero hindi ko siya sinagot at hinarap bagkus ay inirapan ko siya kahit alam kong hindi niya ako nakikita. Narinig ko ang pag-alis niya rin sa kama at ang mabilis niyang footsteps.

Walang pasabi niya akong binuhat at pabagsak na binitawan sa kama. Kinubabawan niya ako at nakangisi siya nang harapin ako.

"Tampo ka? Edi susuyuin kita." He teased me with his low voice. He lowered his face until his nose touched mine. He stared at my bare face.

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon