Chapter Thirty

541 14 0
                                    

TRIGGER WARNING❕

I was stiff on the ground when my pictures welcomed me but those pics are not ordinary. I run towards the first flyer that I saw. Hinaklit ko iyon at ginasumot.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Picture ko iyon na alam kong kinuhaan noong may nanghaharass sa akin. Punit ang damit ko hanggang sa kita lamang ang kaunting tela ng bra ko. Kita ang likod ng lalaki at ang mukha niya ay nasa leeg ko.

Hindi ko namalayan na habang iniisa-isa kong tanggalin ang mga picture ay tumutulo na ang luha ko. Napatigil ako at tiningnan ang buong paligid. Lalo lang lumakas ang tulo ng luha ko nang napakaraming magkakatulad na larawan ang nakita ko. Nanghina ako at napahakbang paatras.

Dahil na rin sa panghihina ko ay pabagsak akong napaupo. And of course, those images triggered me. Napahawak ako sa ulo ko nang mabilis na dumaloy ang mga nangyari noong gabing iyon sa utak ko. Naririnig ko ang sariling pag-echo ng hagulhol ko.

Maya-maya ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Umiikot ang paligid ko at blurry ang paningin ko dahil sa aking luha. Hindi nagtagal ay sumuko na ang talukap ng mga mata ko.

Ramdam ko ang init na dumadaloy sa aking katawan. Nang imulat ko ang aking mata ay wala akong makita dahil walang kahit anong ilaw. Walang bentilador kaya mainit sa lugar. Nakakatakot at nakakapangilabot.

Ilang sandali lang ay napasigaw ako dahil sa biglaang pagsulpot ng isang lalaki sa aking harapan. Agresibo niya akong hinawakan at pinilas na parang papel ang suot kong damit.

"No...Please, 'wag..." napahagulhol ako kasabay ng pagmamakaawa ko sa lalaking alam ko kung ano ang pakay sa akin.

"Tahimik!" Singhal niya sa akin kaya napapikit. Pinanlakihan niya rin ako ng mata kaya lalong lumaki ang takot na nararamdaman ko.

"P-Please..." Utas ko sa maliit na boses.

"Wake up, love...wake up.." Ang bahagyang pag-alog niya sa braso ko ang gumising sa akin.

Pawisan ako at umiiyak na nang magmulat ako ng mata. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko dahil sa takot.

"K-Kai...p-please help me. They're after me, Kai. Please help me..." napapahagulhol ako habang parang bata akong humihingi ng tulong sa lalaking kaharap ko.

Hawak niya ang kamay ko at mahigpit din ang pagkakahawak ko roon. Pakiramdam ko ay sa oras na bitawan ko ang mga kamay niya ay babalik ulit ako sa masamang panaginip kong iyon.

"Shh, I'm here. They can't touch you again. Hindi ako papayag, Celine..." paninigurado niya sa akin saka niya banayad na iniyakap ang isang braso niya sa akin.

"'Wag mo akong iwan, Kai. D-Dito ka lang sa tabi k-ko..." Nagmamakaawa kong hiling sa kanya. Bahagya na ring nangangatal ang labi ko dahil sa pag-iyak.

"Hmm-mm, hindi kita iiwan. I swear." Inihilig ko ang aking katawan sa kanya at dinama ang init na nanggagaling sa kanyang katawan.

Noon ko lang naramdaman ang panginginig din niya na tila nagpipigil lang siya ng galit. Nang bahagya ko siyang tingalain ay nakita ko kung paano nagtangis ang bagang niya. Matalim rin ang titig niya sa kawalan at kitang-kita ko roon ang nag-uumapaw na galit.

Iniyakap ko ang braso ko sa tiyan niya at mas inilapit ang katawan ko sa kanya. Ramdam kong napatungo siya sa akin at napanatag naman ako nang maramdaman kong kumalma siya. Natatakot ako sa kung ano ang kaya niyang gawin...

"Kai, huwag kang aalis...I'll sleep in your arms." Garalgal pa ang boses ko pero kahit paano ay kumalma na ako. Pinikit ko ang mata ko dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon