Chapter Twenty

631 20 0
                                    


TRIGGER WARNING❕:  SEXUAL HARASSMENT

Malakas ang tibok ng puso ko habang may nakatakip na panyo sa kalhati ng mukha ko. Tinangka kong manlaban pero masyado na akong nanghihina. Ni hindi ko man lang malaksan ang sipa o suntok ko.

Mayamaya pa ay may kung sino na ang humawak sa palapulsuhan ko bago iyon parehas na dinala sa likod ko at iginapos. Again, Tinangka kong makawala, nagpumiglas ako nang nagpumiglas pero wala na talaga akong maibigay na lakas. Medyo nahihilo na rin ako at ang talukap ng mga mata ko ay nagbabadya nang bumagsak.

"S-Sino ba kayo? Anong kailangan n-niyo?" Mahinang tanong ko pero batid kong naririnig nila ako.

"Huwag ka nang maingay, Miss. Nag-aaksaya ka lang ng lakas mo." Payo sa akin ng isang lalaki. Blurry na ang patingin ko pero naaaninag ko pa rin naman sila. Apat ang lalaking nasa unahan ko at bukod pa ang nasa likod ko.

Tinanggal nila ang panyong nakatakip sa akin bago ako sinakluban ng itim na bag sa ulo. Kasunod noon ay ang pagbuhat nila sa akin. Ilang segundo silang naglakad bago ako ibinaba at ipinaupo. Sigurado akong nasa sasakyan na kami ngayon.

Tumutulo na ang pawis ko mula sa noo pero hindi ko na muna iyon pinansin.

"S-Saan niyo ba ako dadalhin?" Mahinang tanong ko ulit kahit alam ko naman na hindi nila ako sasagutin ng tamang sagot. Nasa gitna ako ng dalawang tao na batid ko namang mga lalaki. Ang nasa kanan ko ay lumalagi ang kamay sa hita ko pero mabilis ko naman iyong naaalis.

"Huwag ka nang matanong. Maging mabait ka lang d'yan at hindi ka namin sasaktan." Bulong sa akin ng nasa kaliwa ko naman.

Hindi ako natatakot na pwede nila akong mapatay, natatakot ako na mamatay ng wala sa akin ang dignidad ko. Kahit saktan nila ako nang paulit-ulit, 'wag lang nila akong hawakan ng may kalaswaan ay ayos lang para sa akin.

Magsasalita pa sana ulit ako pero dahil sa labis kong pagkahilo ay hindi na ako nakapagsalita. Pilit kong nilalabanan ang antok na nararamdaman ko pero mayamaya lang din ay wala na akong nagawa kung hindi ang pumikit.

Nagising na lang ako nang maramdaman ko ang pagsasaboy sa akin ng malamig na tubig. Nakatali ang kamay ko sa likod ng silyang inuupuan ko at ang mga paa ko ay nakagapos din.

Madilim ang paligid at ramdam kong maliit lang ang silid na kinalalagyan ko. May kaunting sinag na nanggagaling sa labas at iyon ang nagsilbing ilaw ng maliit na lugar.

"Boss, gising na." Pag-iimporma ng isang lalaki sa taong nasa screen ng laptop.

Tiningnan ko ang screen na iyon at pilit na inaninag ang taong iyon pero hindi ko ito makilala dahil sa nakatakip sa kanyang mukha.

"Anong gagawin namin dito?" Turo sa akin ng lalaki sa aking gilid. Natatakot ako at kumakabog na ang dibdib pero hindi ko iyon pinakita sa kanila.

"Bahala na kayo, basta buhayin niyo lang 'yan." Sagot na utos niya. May voice effect na gamit ang taong iyon pero nabosesan ko pa rin na isa itong lalaki.

Ang ipinagtataka ko ay kung bakit? What's the motive of this kidnapping? I am just an ordinary girl, wala akong nakaaway o kung ano. Hindi rin naman ako nakikialam sa mga political issues. Wala akong alam kung ano ang pakay nila sa akin. Pwedeng ang ransom ang gusto nila pero bakit hanggang ngayon ay hindi pa sila kumikilos para ipaalam sa kanila na hawak nila ako.

"Sige, boss. Basta humihinga pa, ayos lang." Pag-uulit ng isang lalaki na medyo malapit sa screen.

"Boss, kelan namin makukuha ang parte namin? At saka, wala na kaming panggastos, wala kaming ipapakain dito."

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon