Katatapos ko lang maligo nang buksan ko ang cellphone ko. Unang nakita ko agad ang text message ni Mom, binuksan ko iyon dahil baka importante pero tulad lang noong mga nakaraan ay ganoon lang din ang text message niya.
Mom:
Please, anak. Hiwalayan mo na si Kaizer, pareho lang kayong mahihirapan kapag pinatagal niyo pa 'yan.
Mom:
Listen to me, Celine. I know what's good for you. Marami pang lalaki na makakapantay kay Kaizer, sigurado akong makakahanap ka pa ng lalaking mas mamahalin mo.
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa mga nabasa ko. Nakakasira ng umaga ang mga sinasabi niya pero isang kita ko lang sa ngiti ni Kai ay gumaganda na ulit ang araw ko. Ang cheesy pero bahala na. Ganoon yata talaga kapag inlove, nagiging corny.
"Breakfast is ready, love. Kumain na tayo." Sabi agad ni Kai nang makapasok siya sa kwarto.
"Palabas na nga sana ako e."
"Good, I cooked your favorite. Sinigang."
"Talaga? Salamat!" Energetic na sabi ko bago mabilis na hinalkan ang pisngi niya. Ipinulupot ko rin ang braso ko sa kanyang bewang.
Nang lingunin ko siya ay ngingisi-ngisi na siya sa akin.
"Marunong ka na ring manggulat ngayon ah." Komento niya na siyang nakapagpakunot sa noo ko.
"Huh?" I asked.
"Wala." Nakangisi pa ring sagot niya kaya napailing na lang ako.
Nang marating namin ang kusina ay agad siyang naghila ng silya at iginiya ako paupo roon.
"Coffee, juice or tea?" Tanong niya sa akin pagkatalikod niya.
"Coffee na lang. Wala kang trial ngayon di'ba?"
"Yeah. Iimbestigahan ko lang ulit yung case about you. I have to find them in any way that I can do." Determined na sabi niya. Bagaman masaya ako dahil determinado siya ay nag-aalala ako sa mga pwedeng mangyari.
"But hey, 'wag mong ipapahamak ang sarili mo. Magagalit ako sa'yo kapag nasaktan ka." Banta ko. Siguradong kapag nangyari 'yon ay unang magagalit ako sa sarili ko at magkakandarapa ako para lang maalagaan siya.
"Yeah. I don't want that too 'cause I might be far from you."
"Ako na naman ang nasa isip mo." Puna ko.
"Why not? I just live my life for you." Seryosong sabi niya. Kahit na alam kong maaaring makasama iyon ay nakakaramdam ako ng saya. I'm glad to be his strength as well.
Nakasanayan ko nang pumasok sa opisina na tahimik, malayong-malayo kumpara sa nakasanayan ko dati. Pati tuloy ako ay nahihiya nang magsalita.
"Mamaya ako lalabas for investigation, mga 9." He informed and I just nodded.
"May ipapabili ka ba? May gusto ka? Para mabili ko na bago ako bumalik dito." Saad niya habang tumitingin sa kanyang wrist watch.
"Kapag may nadaanan kang nagtitinda ng peanut, ibili mo ako."
"Alright. I'll be back before lunch. Sabay tayong maglunch."
"Sige. Pero kung masshort ka sa time, ayos lang kung doon ka maglunch."
"Nope, sabay tayong magl-lunch. It's our time together." Buo ang desisyon na sabi niya saka umupo siya sa swivel chair.
In-open ko ang laptop ko at tiningnan agad ang mga gagawin ko. Kakaunti kasi ang paperworks sa table kaya nagtingin ako ng iba pang trabaho sa laptop. Napahinga ako nang maluwag dahil maluwag ang sched ko, bukod pa ro'n ay alam kong bumaba ang bilang ng krimen nitong mga nagdaang araw.
BINABASA MO ANG
MY LAWYER STEP-BROTHER ✅
Romance|COMPLETED 2021| She was just a wattpad reader and in her own point of view, she had the chance to live the life she once wanted but the real question is... Could she have her desired oh-so-called happy ending when she's in a place wherein she don't...