Chapter Thirty-Two

555 17 0
                                    

Pagkatapos ng gabing iyon ay pakiramdam kong mas lumalim ang relasyon namin. Nang marinig ko ang sinabi niya noong gabi ring iyon ay sobrang saya ko na.

Walang araw na hindi ko naiisip iyon at hindi na ako makapaghintay na tuparin iyon kasama siya. Para sa akin ay isa iyong pangarap na ngayon ay pinagtatrabahuhan na namin nang mabuti. Matindi ang pag-asa ko na matutupad ang pangarap na 'yon.

"Love..." pukaw sa akin ni Kai. Hindi ko namalayan na nakatulala na ako.

"What?"

"You're smiling. Iniisip mo na naman ako, tsk." Napailing pa siya habang inaasar ako.

"Ang kapal talaga ng mukha mo."  Irap ko naman sa kanya.

Kahapon natapos ang leave ko kaya ngayon ay balik na naman ako sa trabaho. 'Di bale na atleast ay may mapapagkaabalahan na ulit ako.

"You sure that you're okay now?" Tanong niya habang hindi pa siya umaalis sa loob ng sasakyan. Hawak niya ang magkabila kong pisngi nang may pag-iingat. Nginitian ko siya.

"Basta nand'yan ka, ayos lang ako." Lumamlam ang mata niya saka dahan-dahan niyang nilapatan ng halik ang aking noo.

"Hindi ako aalis, don't worry." Paninigurado niya habang hinahaplos ang pisngi ko. Hindi naman talaga ako nag-alala dahil alam kong nasa tabi ko lang siya.

Nauna na siyang lumabas para pagbuksan ako ng pinto. Nang makapasok kami sa opisina ay napabaling ako sa kanya dahil biglang nag-iba ang aura niya. He looks so intimidating like the usual.

Nagtataka rin ako dahil hindi tulad ng nakasanayan ko ay tahimik ang buong opisina. Marami silang ginagawa pero napakatahimik talaga nila. Wala ni isang nangahas na tumingin sa amin, dati-rati ay isa-isa silang bumabati kay Kaizer pero ngayon ay halos mabingi ako dahil wala talagang umimik.

Hinawakan ko ang may parteng siko ni Kai at nagtanong. Hindi pwedeng basta na lang nagkaganito ang firm na ito.

"May nangyari ba? Anong problema?" Mahinang tanong ko nang oras na hawakan ko siya ay agad namang nawala ang pagiging malamig niya.

"Hmm? There's no problem. Why?" He asked back with a creased forehead. I know he lied, nababasa ko sa tipid nilang kilos.

"Ang tahimik kasi nila." Komento ko na siyang ipinagkibit balikat niya.

Hindi na rin ako nagtanong dahil una sa lahat ay may tiwala naman ako sa lalaking ito.

"May court trial ka pala mamayang 1:00 pm?" I asked him nang makita ko ang sched niya ngayong araw. Saglit niya akong binalingan bago bumalik sa ginagawa niya sa laptop niya.

"Uh, yeah. I almost forgot that one, good that you remind me of it. You want to go with me later?"

"Hmm, pwede naman. Kakaunti naman na itong irereview kong cases."

"Alright."

"It's about the slander case, right?" Patungkol ko sa kasong tatalakayin nilang kaso mamaya.

"Yeah. I got clues that may point the culprit, it's going to be a chill case for us." Ngumisi siya habang pinaglalaruan ang pen na hawak niya. Doon pa lang ay alam ko na agad na kilala na niya ang suspect at maipapanalo niyang sigurado ang kaso.

"That's good then. After naman ng trial mo ay sa office ka na lang ulit kaya makakapaghinga ka rin naman agad."

"It's okay, no need to rest tho."

Alas dose nang lumabas kami at pumunta sa restau para maglunch. Hindi naman ako kumain ng heavy meal kaya madali lang akong natapos. Malaki ang restaurant kaya habang hinihintay kong matapos kumain si Kai ay pinaglakbay ko na lang ang tingin ko sa kabuuan ng lugar.

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon