Chapter Five

1K 34 0
                                    

"Good morning, Miss Celine pretty." Salubong na bati sa akin ni Spade. Nagulat pa nga ako dahil hindi ko inaasahan iyon. Hindi naman kami magkaibigan para bumati ng ganoon sa akin kaya naman nagtaka ako, well, maybe he's going to get his handkerchief but sad to say, I still did not do laundries.

"'Di 'ko pa nalalabahan panyo mo, sa isang araw mo na lang kuhanin." Pagaabisa ko sa kanya. Nang marinig niya naman 'yun ay napatawa siya. Nagjoke ba ako?

"Celine pretty, ganyan ka ba talagang bumati ng good morning? At tsaka yung panyo? Hindi ko na kukuhanin yun. Sa'yo na yun, souvenir." He laughed again. Wow ha, happy pill ba niya ako? Kitang kita ko tuloy ang mapuputi niyang ngipin, sanaol maputi ang ngipin. Ako kasi kahit anong gawin ko, yellowish talaga e.

"Hoy, ano na? Asan na good morning ko?" Naghihintay na tanong niya. Luh, demanding ka, ghorl.

"Pakihanap na lang sa mars, natapon ko dun e." And again, he laughed. Ba't ba tawa nang tawa, 'di naman ako clown ah?

"Funny." He commented and laugh again. Luh, baliw. Then he handed me a cup of coffee na alam kong bili niya d'yan sa may café, parehas kasi ng logo ng nabibilhan ko kapag gusto ko ng kape.

"Thank you sa service. Magkano 'to?" I asked. Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin pagkatapos ay muli na namang humagalpak. Ang iilang mga empleyado ay nagsisitinginan na rin sa amin. May sira yata ulo nitong si Spade e, sayang gwapo pa naman kaso ayon, lumuwag yata ang mga turnilyo niya sa utak. Hays, kawawang nilalang naman 'to.

"Hindi naman ako nagpapabayad, Cel. Free 'yan, libre ko." Nakangiting sabi niya. Sanaol nanglilibre, samantalang mga kaibigan ko ni hindi man lang ako mailibre ng tigpipisong kendi. Mga kuripot na nilalang.

"Ah, okay. Salamat dito." I said and smiled.

"Woah, mas maganda ka kapag nakangiti kesa may luha yang mga mata mo. At ang cute ng dimples mo." Muling komento nito sa akin. Why is he like this? Panay puri ah, baka crush ako nito. Well, pasok naman siya sa standards ko kaya 'pag nanligaw 'to, bibigyan ko ng chance. Sayang e, grasya din 'to.

"Alam ko 'no. At tsaka kahit umiiyak ako, maganda ako. Nakita ko sa salamin e." Kibit balikat ko na siya na namang ikinangiti ng kausap ko. Siguro ang rule niya ay bawal ang hindi ngumiti, hays.

"You're really cute, Cel. Sabay tayo maglunch later?" He asked, napataas naman ang kilay ko. Feeling ko talaga crush ako nito, pasimple pa e. 'Sus, ganyan rin galawan ng mga manliligaw ko noon nung high school pa ako, kunwari gusto makipagfriends pero ang totoo e gusto namang pumorma. Ba't ba ang bubulok nilang gumawa ng paraan at palusot?

"Kaya ko naman kumain mag-isa." Sagot ko sa pag-aaya niya.

"Hindi ba mas masaya kung may kasama ka?" Pagdadahilan niya.

"Masaya naman ako kahit magisa ako. Kaya ko nga'ng patawanin ang sarili ko e." Pagmamatigas ko. Well, I am just telling truths.

"Ililibre kita."

"Okay, sige. Anong oras tsaka sa'n tayo kakain?" Tanong ko sa kanya, bahagya na naman itong napahalakhak.

"Susunduin na lang kita sa office mo. Is that okay with you?" He asked.

"Yeah."

"Alright. Then its settled."

"Okay, I have to go na. I have some errands to do so, I'll gonna leave now." I said and when he nodded and smiled, I started walking away.

Pagdating ko sa opisina ay halos mabitawan ko ang dala-dala kong kape nang makita ko si Kai. Usually kasi ay nauuna akong dumating kaysa sa kanya.

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon