Chapter Twelve

778 28 1
                                    

7 am in the morning and we're back to our house in Manila. Simula nang unang araw namin doon sa probinsya, hindi na sa akin mawala ang kabang nararamdaman ko sa tuwing naiisip, nakikita  at lalo na kapag malapit siya. Parang palagi akong nababaliw.

I am torn between hindi ko alam and alam ko but I don't want to admit it because I know, that is forbidden. Hindi pwede, bawal.

"Sumabay ka na sa akin." He said in the middle of our breakfast. Walang akong maisagot kundi tango. Wala akong ibang idadahilan.

Nakakatawang umiiwas ako pero parang pinagkakaitan ako. Parang sasabog ang utak ko kapag iniisip ko iyon kaya gumagawa ako ng paraan para lang madivert ang atensyon ko.

Pagdating sa law firm ay ang pangungulit agad ni Spade ang bumati sa akin kaya kahit papaano ay naiwala ko ang isipin ko.

"Nawala ka. Saan ka galing? Tungkol ba ulit 'to doon sa emergency mo noon?" Patungkol niya doon sa ginawa komg excuse nang magkasakit si Kai at alagaan ko ito.

"Ah, oo." Sagot ko na lang. Nakakatamad mag-isip ng panibagong palusot.

"Kumusta naman? Ayos na ba? Okay ka lang?"Sunod sunod na tanong niya. Sasagutin ko na sana ang mga tanong niya pero naudlot iyon nang magring ang cellphone.

Kai's calling...

"Anak ng tokwa naman." I whispered. Wala naman akong choice kung hindi sagutin iyon. I clicked the green button and greet him in my most formal voice pero hindi niya iyon pinansin dahil diretso rin naman siyang nagsalita.

"Aurelia Celine, are you caught in a heavy traffic?" He sarcastically asked while in the other line.

"No, Sir." I formally replied. Ilang segundong natahimik ang kabilang linya bago ko narinig ang malakas na pagbuntong hininga niya bago siya nagsalita ulit.

"Come to our office now. I need you here and don't flirt at office hours." Mariin niyang sinabi ang mga huling salita niya. Flirt? Does he mean the little talk of Spade and I? And he needs me? Kailan pa siya humingi ng tulong sa ibang tao lalo na kung para sa trabaho? Aish.

"Coming up, Si--" Hindi ko na natapos ang dapat kong tugon dahil naputol na agad ang tawag.

"Bastos talaga kausap." Inis na bulong ko.

"Problem?" Panguusisa ni Spade na hanggang ngayon pala ay nasa harap ko pa.

"Wala naman. Una na ako ah?" I smiled.

"Oh, okay. Hindi mo na nasagot ang tanong ko." Tumawa siya.

"Pasensya na. Next time na lang siguro."

"Hindi, okay lang. Nagbibiro lang ako." Tumawa ulit siya.

"Uh, sige. Bye." I slightly waved my hand to him before stepping away. Huminga ako nang malalim habang naglalakad. Iniisip ko pa lang na nasa iisang silid kami ay nahihirapan na ako, parang ang hirap gumalaw. Anak ng tinapa naman kasi, Aurelia.

Ang rupok. Marupok ka pa sa kahoy na gato, Aurelia Celine.

Nang makarating ay huminga muna ulit ako nang malalim bago ako tuluyang pumasok sa silid. Tulad ng nakasanayan, subsob na naman siya sa trabaho niya.

Umupo ako at naghintay na mag-utos siya pero hindi naman niya ginawa. Napairap tuloy ako habang chinicheck ang mga papeles na nasa ibabaw lang ng lamesa. Humanap ako ng nangangailangan ng mga subpoena o ibang papeles.

"May iba ka bang ipapagawa?" I asked. Kakaunti kasi ang nahanap kong gagawin ko sa araw na ito.

"Wala. Nakita ko na yung hinahanap ko." Malamig na aniya. Wala na tuloy akong naging imik. Tumikhim siya bago ulit nagsalita.

MY LAWYER STEP-BROTHER ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon