PROLOGUE

139 3 0
                                    


PROLOGUE

Ang lahat ng bagay ay may pinagmulan. Lahat may dahilan. Lahat may kinahahantungan. Lahat ay may katapusan. Kadalasan, sa ating mga sarili nagmumula ang mga ito. Minsan naman, nang dahil sa ibang tao. Namulat ako sa panahong madilim. Laganap ang kasamaan, maging ako ay naging saksi sa panlalamang, pang-aabuso at pag-papahirap.


Naranasan ko nang mawalan ng mga bagay at taong buong buhay kong iningatan at pinahalagahan. Maging ang buhay ko, nawala na rin. Wala na ang aking mundo. Wala na lahat. Tila lumipas na ang aking panahon. Hindi na ako nabubuhay sa panahong ito.


Minsan, tinatanong ko na lang sa maykapal kung bakit ko dinaranas ang mga ito. Bakit ako? Bakit ba patuloy itong nangyayari sa akin? Ang buhay nga naman, hindi ito kayang itakda nino man. Kung tutuusin, sa umpisa pa lang ay walang madali sa mundong ito lahat ay pinaghihirapan.


Isinilang, lumaki at nagka-isip ako sa bansang binansagang Perlas ng Silangan. Rito'y simple, maganda at masaya. Sa aking muling pagmulat, ano na nga ba ang nangyari? Nasaan na ba tayo? Kasamaan? Kahirapan? Kawalan ng hustisya? Hindi na ito bago pero, bakit lumala?


Iilan lamang ito sa mga problemang hinaharap natin, at mukhang hindi na ito mawawala ano mang panahon. Ano nga ba ang nagtutulak sa atin upang gumawa ng mali? Kapangyarihan? Bakit ba ang dami sa atin ang bulag sa katotohanan? Iyan ay aking tutuklasin. Sa mga taong aking nakakasalamuha, unti-unting nilang binibigyang linaw ang mga tanong sa aking sarili.


Ano nga ba ang totoong kahulugan ng salitang pag-ibig? Papaano nga ba talaga magmahal? Kaya mo bang ialay ang lahat at ibuwis maging ang sariling buhay para rito? Paano nga ba ang tunay na mag sakripisyo? Iilan lang ito sa mga katanungang bumabagabag sa akin. Marami pa akong mga katanungan na hindi pa nahahanapan ng kasagutan, kung kaya't hindi ako titigil hangga't hindi ko pa ito nakakamit.


Sino ba ako? Ano ba ang aking papel sa mundong ito? Hindi ko rin alam, maging ang dahilan kung bakit muli akong nagbalik. Isa lang ang aking alam, na ako'y isang Pilipino.

EL KAPITANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon