A story of hope, second chances, loyalty, perseverance and love. Written based on brief historical and current day events. A man from the past, veteran, patriot wakes up to the modern day era to live his second life only to realize that he lost ever...
Tahimik at madilim na ang lahat. Nakahiga na si Catherine sa kama habang nagce-cellphone nang may narinig siyang kumalabog sa labas ng kanyang kwarto.
Agad niyang kinuha ang nakatagong baril (pistol) sa higaan. Kinasa niya na ito at dahan-dahang tumayo para tignan ang umingay.
Itinutok na niya ang baril sa harapan, tahimik at dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan para lumabas. Agad niyang in-on ang ilaw sa labas ngunit wala siyang nakitang kahit na anong kakaiba sa condo.
Bigla ulit may kumalabog at napatingin siya sa labas ng kwarto ni Armando. Paulit-ulit na ang pagkalabog sa loob. Dahan-dahan siyang lumapit sa labas ng pintuan.
Unti-unti niyang inilapit ang sarili rito at roo'y biglang huminto ang mga pagkalabog. Bakas ang takot at nerbyos sa hitsura ni Catherine. Tahimik niyang idinikit ang kanyang tenga sa pintuan.
"Armando?", tawag ni Catherine.
Napakatahimik.
Dahan-dahan niyang hinawakan ang doorknob at binuksan na ang pinto. Roon, nasinagan ng liwanag ang dilim, bumungad sa kanya si Armando na nakayuko habang nakaupo sa lapag sa tabi ng higaan. Tahimik at hindi umiimik.
Nakaramdam ng labis na kaba at takot si Catherine. Itinutok niya ang baril kay Armando na may halong panginginig.
"A-Armando?", mahina niyang tawag habang papalapit ng papalapit sa kanya.
"A-anong nangyari? Ayos ka lang ba?", takot na tanong ni Catherine ngunit hindi pa 'rin umiimik si Armando.
In-on na ni Catherine ang switch ng ilaw at ibinaba na ang pagkakatutok ng baril. Unti-unti siyang lumuhod sa harap ni Armando para kamustahin ang kanyang lagay.
Bigla siyang sinunggaban ni Armando at sabay silang natumba ni Catherine.
"ARMAND--", sigaw ni Catherine ngunit agad na tinakpan ni Armando ng kamay ang kanyang bibig.
Buong bigat niyang napaibabawan si Catherine at mabilis niyang nasalag ang baril sa kanyang kamay. Pwersahang piniga ni Armando ang baril at nasira niya ito. Hinatak niya ito paalis sa kamay ni Catherine at inihagis sa kanilang gilid.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.