A story of hope, second chances, loyalty, perseverance and love. Written based on brief historical and current day events. A man from the past, veteran, patriot wakes up to the modern day era to live his second life only to realize that he lost ever...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Lumipas pa ang oras at dumating na ang panauhing inaantay ni Lucero. Nakita niya agad ang panauhin nang mapansin nilang marami itong nakabuntot na kalalakihan sa kanyang likuran.
Siniko-siko agad ni Lucero si Baron.
"Ano 'yon?", taka niya.
"Titigan mo na.", sabi ni Lucero kay Baron habang nakangiting tumungo sa panauhin.
Napatulala si Baron sa inaantay na panauhin. Malugod siyang sinalubong at binati ni Lucero sa terminal.
"Hi! It's good to see you, madam!", masayang bati ni Lucero at nakipagkamay sa panauhin.
"Lucero! It's nice to see you too! How are you?", bati rin sa kanya. "Who's that behind you?".
"I'm great! Thank you!", tungo ni Lucero. "Oh, I'm sorry. By the way, this is Baron.".
"Hello po.", ngiting-aso ni Baron sabay tungo.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Mei nga pala. Pansin 'kong kanina ka pa nakatitig sa'kin ha?", sita ni Mei.
Nanlaki mga mata ni Lucero at napatingin agad kay Baron sa kanyang likuran.
Pinandilatan niya at binulungan si Baron, "Umayos ka!".
Napayuko na lang agad si Baron, "Sorry po.".
"Pasensya ka na, madam Mei. Hindi kasi sanay makakita ng maganda 'tong kasama ko eh.", biro na lang ni Lucero. "You're gorgeous. Baka na-starstruck lang 'yan. He he.".