A story of hope, second chances, loyalty, perseverance and love. Written based on brief historical and current day events. A man from the past, veteran, patriot wakes up to the modern day era to live his second life only to realize that he lost ever...
(Conference Room sa Headquarters ng EMPIRE sa MANILA)
"Inihahanda 'ko na ang Project: Insurrection. Ang pwersahang pagkuha natin sa kapangyarihan ng buong bansa. Nalalapit nang maging handa ang Mindanao, habang sa kasalukuyan, patuloy ko 'pang inaayos ang ilang problema sa Luzon at Visayas. Dumating 'man sa puntong handa na ang lahat, hindi ang Project: Insurrection ang magiging pangunahing aksyon natin. Manalig lang kayo sa EMPIRE. Isasaayos natin ang bansa, sumunod.... ang buong mundo.... Viva Imperio!"
"VIVA IMPERIO!", sigaw ng lahat. Kitang lumakas muli ang loob ng mga opisyal at tumaas ang moral para mag-serbisyo sa EMPIRE.
Natapos naman ang pag-uusap ng EMPIRE sa Conference Room nang maayos. Lahat ng opisyal ay nakapag-pahayag ng kanilang reports at saloobin kay madam "M".
Agad 'ring umalis papunta sa kani-kanyang destino at trabaho ang mga opisyal. Ang iba'y pansamantalang nanatili muna sa Headquarters para magpahinga ng sandali. Si madam "M" naman, pagtapos ay dumiretso na sa Command Center ng naturang Headquarters nakasunod ang kanyang mga armadong bantay sa likuran.
Roon, nadatnan niyang abala ang lahat at tutok sa mga malalaking monitor ng EMPIRE. Dito nila nakikita, nababasa at nalalaman ang bawat pangyayari sa iba't-ibang bahagi ng bansa.
Nang makita si madam ng mga tao ay agad silang huminto panandalian sa kanilang mga ginagawa para yumuko at magbigay-galang.
"Sino sa inyo ang nag-hack sa database ng ALLIANCE?", tanong ni madam sa lahat.
Sabay-sabay tumingin ang mga tao sa isang lalaki sa 'di kalayuan. Isa siya sa mga I.T Professionals ng EMPIRE. Kitang hindi siya mapalagay habang unti-unting naglalakad papalapit sa kanya si madam.
Nang magkaharap na sila, seryoso siyang tinignan ni madam "M" mula ulo hanggang paa. Nakayuko lamang siya, mukhang tense at nag-uumpisa nang pagpawisan...
"Anong pangalan mo?", seryosong tanong sa kanya ni madam.
"Aldren Reyes Faulkerson po, madam.", tense niyang sagot.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Napatingin sa paligid si madam at nag-utos, "Bumalik na kayo sa mga ginagawa niyo.".