CHAPTER 17: IT'S OFFICIAL!

7 0 0
                                    


[ANTONIO'S POV]


"We need you, Cap.", mahinang sabi pa ni Natasha sa akin.


Roon, tumayo ako sa harapan ni Natasha at dahan-dahan akong lumuhod sa harap niya. Pansin 'kong nabigla siya sa aking ginawa at yumuko na lamang ako.


"Kung ganoo'y ikinararangal 'kong maging kasama niyo.", sabi ko naman at unti-unting napangiti si Natasha.


Ilang sandali pa, bigla kaming may narinig na pumapalakpak sa hagdanan. Sabay kaming napatingin ni Natasha at agad naman akong tumayo. Si Benjamin...


"Kabababa ko lang... Wala akong narinig kung may pinag-usapan man kayo pero, bakit ka nakaluhod sa harap ni Nat? Ano 'yan ha?!", nakangiting pang-aasar ni Benjamin sa amin.


"Sira!", natatawang sabi naman ni Natasha at nangisi na lamang ako.

"Anyway, malalaman ko rin kung ano man 'yan.", ngiting sabi pa ni Benjamin.

"Sana nga.. Tignan na lang natin.", sagot naman ni Natasha sa kanya at biglang nanlaki mata ni Benjamin.


Ilang sandali pa, pumasok na si Lawrence...


"Wala.", sabi niya at naupo na sa sofa.

"Pre, may sasabihin ako sa'yo mamaya. Mainit-init pa!", tuwang sabi naman ni Benjamin kay Lawrence.


"Bakit? Ano naman 'yun? May nangyari ba?", taka niya.

"Basta.", habang tinataas-taas ni Benjamin ang kanyang mga kilay.


"Tigilan niyo 'ko ha. 'Wag ngayon.", natatawang saway naman ni Natasha sa dalawa.


Hindi ko sila maunawaan. Kinakanchawan nila si Natasha at mukhang ayos lamang ito sa kanya. Biruang magkakaibigan lamang.


"Mag-ayos na kayo. Magpahinga na tayo sa taas.", yaya ni Benjamin sa amin.


Agad 'ring tumayo si Lawrence at may kinuha siyang susi sa bulsa. Marahan niyang inihagis ito kay Natasha at nasalo niya naman ito.


"Tara na. Gusto ko na mahiga.", sabi naman ni Lawrence at dumiretso na siya sa hagdan.

"Kayo, sumunod na lang kayo ha. May pag-usapan kami ni Lawrence sa taas, Nat.", paalam naman ni Benjamin sabay akyat sa itaas.


"Che!", ngising sabi naman ni Natasha at tumayo na rin siya.


Nakakatuwa silang makitang magbiruan. Sa kabila ng nangyari, parang wala na lang sa kanila. Sanay na sila.


"Tara na?", tanong ni Natasha.

"Tara.", sagot ko naman at hinawakan niya ang aking kamay.

EL KAPITANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon