Sa sala ng mansyon ni Madam "M" sa CAVITE...
[CATHERINE'S POV]
Naupo si madam "M" at nagcross-legs, "Cath, maupo ka.", at naupo 'rin ako.
"May ipapasundo ako sa'yo sa Davao. Magsama ka ng ilang tao, doktor at technicians.", utos ni "M" sa'kin.
"Ipapasundo mo na ba 'yung asset natin?", tanong ko.
"Oo. Pagkatapos ng iskandalong ginawa ni Alvin sa Maynila, pansamantalang mauudlot ang ilang pagkilos natin. Nagkalat na ang awtoridad... pero hindi ibig-sabihing mananahimik tayo.", paliwanag naman ni "M".
Tahimik lang ako habang nakatingin kay madam "M".
"'Yung susunduin mo sa Davao, siya muna ang magsisilbing sandata natin sa ganitong sitwasyon. Mas may tiwala ako sa kanya kaysa sa inyo pagdating sa ganyang bagay.", dagdag pa ni "M" at napayuko na lang ako.
Hindi ko siya masisi, maraming beses na rin namin siyang nabigo sa mga pinapagawa niya.
"Naaalala mo pa ba 'yung binilin ko sa'yo?", tanong naman ni "M".
"Oo. Ako nang bahala sa kanya.", sagot ko naman.
"Sa ngayon, hindi ko pa kayo mapupuntahan sa Maynila. May kailangan pa akong asikasuhing mga bagay dito.", paalala pa ni "M".
Tumungo na lang ako, "Sige.".
"Maghanda ka na. Ipapaalam ko sa Davao na paparating kayo.", utos na ni "M".
Agad 'rin ako tumayo at muling yumuko kay "M". Umalis na rin ako pagkatapos.
Bumalik na ko sa sasakyan at nagmaneho na pabalik sa Maynila. Kelangan 'kong makabalik agad para makapag-ready.
Hapon na nang makabalik ako sa condo. Pagkatapos ko maihanda ang lahat, tinawagan ko rin ang mga taong sasama sa'kin. Pumayag silang lahat, wala silang magagawa. Utos ni madam "M".
[TIME: 07:00 PM]
Nagliligpit na ako ng pinagkainan ko nang may nag-doorbell sa labas ng unit. Kinuha ko ang cellphone at tinignan ko ang CCTV kung sino.
Si Alvin. Ano na naman kaya pinunta niya? Pinagbuksan ko siya ng pinto at pinatuloy sa sala.
"Oh, bakit? Nag dinner ka na?", tanong ko sa kanya.
Naupo siya sa sofa, "Hindi pa. Katatapos ko lang asikasuhin 'yung pinapagawa ni madam sa'kin.".
![](https://img.wattpad.com/cover/262437711-288-k67294.jpg)
BINABASA MO ANG
EL KAPITAN
ActionA story of hope, second chances, loyalty, perseverance and love. Written based on brief historical and current day events. A man from the past, veteran, patriot wakes up to the modern day era to live his second life only to realize that he lost ever...