CHAPTER 35: RED-HANDED

8 1 0
                                    

(Previously)

[MAINE'S POV]

Pagkaalis ni manong guard bigla na naman siyang bumaluktot ulit, akala mo napilayan. Hindi ko rin alam pero natatawa lang ako sa kanya. Ha Ha Ha!

Sorry.

Sorry na.

But not really...


"Sige lang. Tumawa ka lang...", inda pa niya sa'kin habang nakikita niyang natatawa ako.

"Sorry. Ang galing mo kasi umarte. Award!", biro ko pa sa kanya at tumayo na naman siya ng direcho.

"Ano na? Ano 'bang gusto 'mong pag kasunduan natin?", tanong ko na.

"Maupo na muna tayo.", sabi naman ng lalaki na 'to sa'kin at tumitingin-tingin siya sa paligid. Ano naman kaya hinahanap niya?

"Kumain ka na ba bago umalis sa inyo?", tanong naman niya bigla. Aba aba...

"Hindi. Sa tingin mo ba makakakain pa 'ko ng maayos nang dahil sa'yo?!", sumbat 'ko.

"'Yun naman pala eh. Kumain na muna tayo.", aya na niya sa'kin.

Ano 'to? Bonding?! Date?!

"Kumain ka mag-isa mo!", gigil ko na sa kanya habang pinandidilatan ko ng mata. Ang dami niyang paligoy-ligoy! My gahd!

"Ayaw mo? Hoy. May utang ka pa sa'kin."

Utang?!

"Ano? Anong utang 'yang pinagsasabi mo?!", inis ko na.

"Binayagan mo 'ko di'ba?!"

Bigla na lang ako napamewang sa mga sinasabi niya, "Oo! Gusto mo ulitin ko?!".

"Hindi! Ililibre mo ko. Sagot mo 'yang kakainin natin!", sumbat niya sa'kin.

"NATIN?!!"

Talagang napasalubong na kilay ko!

"Hoy! Wala ka 'bang pera?! Ni hindi nga kita kilala eh! Pinapunta punta mo na nga ako dito tapos ililibre pa kita?! Jowa kita?! JOWA??!!".

Natawa na lang siya bigla sa'kin. Kagigiiiillllll....

"Oh... oh... kalma ka lang dyan.", natatawa pa niyang sabi.

Papatulan ko na talaga 'to! Isa pa... isa paaaa!!!

"Alam ko na. Halika na, kumain na tayo.", aya pa niya sabay hawak na naman sa kamay ko.

Nagpumiglas ako! Binwelo ko na naman 'tong tuhod ko at tinangka ko ulit siyang itlugan!

Napatalon siya agad paurong at nasalag niya ng dalawang kamay ang tuhod ko.

"Oh! Oh! 'Wag mo na sabing uulitin eh!", gulat niya.

"Eh ano ba kasing gusto mo mangyari?!", inis na sabi ko at ayan na naman yung mga tao... nakatingin na naman sa'ming dalawa.

"'Wag ka ngang iskandalosa. Sumunod ka na lang sa'kin nang matapos na.", sabay hatak nitong lalaki ulit sa'kin.

Saan na naman kaya ako dadalhin nitong hinayupak na 'to?!

Sa paglalakad namin, huminto kami sa harap ng Mcdo.

Sa paglalakad namin, huminto kami sa harap ng Mcdo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
EL KAPITANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon