CHAPTER 18: THE PHILIPPINE ALLIANCE

5 0 0
                                        


Naupo na nga si Antonio at tinignan na ang mga papeles...

"Ano ba ang mga ito?", tanong niya.

"Kontrata.", sagot naman ni Director at napatingin si Antonio kay Natasha.

Bahagya na lang siyang ngumiti, "It means, welcome to the ALLIANCE, Tony."


Tahimik na inintindi at binasa ni Antonio ang lahat ng nakasulat sa kontrata. Pag dating niya sa ibabang bahagi ng papel, may nakita siyang isang guhit na "Signature Over Printed Name".


Napabuntong-hininga si Antonio at kita sa hitsura na nag-iisip habang nakatitig sa papel. Tahimik lang rin ang lahat na nakatingin sa kanya... Nag-aantay.


Ilang sandali pa.....


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pumirma na si Antonio sa kontrata at pagtapos ay inabot niya na ang napirmahang kontrata kay Natasha. Iniabot niya rin ito kay Director at tinignan niya naman ito.


Tumayo bigla si Director, "IT'S OFFICIAL!", sabay palakpak.


"'Yon!", palakpak ni Benjamin.

"YES!", tuwa naman ni Lawrence kay Antonio.


Bakas pa rin sa mukha ni Antonio ang nerbyos sa pinirmahan.

Nakangiti lang si Natasha habang nakatingin kay Antonio, "Welcome aboard, Captain."


"Congrats, Tonio! Magpapainom niyan si Lawrence mamaya.", biro ni Benjamin at nag-Thumbs Up naman si Lawrence.


"Bago kayo magdiwang, aayusin na muna natin 'yung nangyaring gulo kagabi.", paalala naman ni Director kila Lawrence at Benjamin.


"Oo nga pala, pre...", tanto ni Lawrence at napakamot sa ulo si Benjamin.

"Akala niyo siguro malilimutan ko noh?", biro naman ni Director sa kanila. "Tutulungan niyo ko, oy! Nang-aano kayo eh. Ha!"


"Antonio... Mag mula ngayong araw na ito, kabilang ka na sa ALLIANCE. Ifa-file ko na itong mga kapapelan mo ngayon din para maayos na.", sabi naman ni Director.


"Dahil bago ka pa lang, ipapa-ubaya na kita kay Natasha. Siya na ang magiging superior mo. Gaya ng sinabi niya sa'kin, aakuin niya ang lahat ng responsibilidad sa'yo. Kaya kung may kailangan ka o kahit na ano pa 'yan, kausapin mo na muna siya. Maliwanag ba 'yon?"

EL KAPITANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon