A story of hope, second chances, loyalty, perseverance and love. Written based on brief historical and current day events. A man from the past, veteran, patriot wakes up to the modern day era to live his second life only to realize that he lost ever...
Sa gitna ng kasiyahan ng mga bata, may isang batang babae naman ang tumatakbo pasalubong. Nakatingin ang paslit sa kanyang likuran habang tumatakbo nang magkabungguan sila si Mimi. Parehas silang natumba at napaupo.
"Aww!", inda ng batang babae.
"Ouch!", inda rin ni Mimi. "I'm sorry. Are you okay?"
"Halaaa...", sabi naman ng ilang batang kasama ni Mimi.
Nakita naman nila agad na nakaupo sa lapag ang dalawang bata.
"Oh... What happened?", tanong ni Natasha at tinulungan tumayo si Mimi.
Itinayo naman ni Stephanie ang isa 'pang paslit. Tumingin-tingin lang siya sa paligid at unti-unti nang sumimangot na para 'bang iiyak.
Ilang sandali pa, may isang babaeng bumungad sa 'di kalayuan at tila may hinahanap. Kapansin-pansin na may kaya ang babae. Nang makita niya si Stephanie kasama ang babaeng paslit, agad naman siyang lumapit.
"Layla!", tawag ng babae sa bata.
Lumapit agad sa kanya 'yung bata at yumakap sa kanyang bewang.
"Pasensya na kayo sa anak ko.", paumanhin ng babae. "Sorry."
"Okay lang ho. Mukhang excited masyado sa pasyal 'yang mga bata.", ngiti naman ni Stephanie.
"Thank you.", ngiti naman ng babae. "Ako nga pala si Mariah.".
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.