CHAPTER 36: TEMPERAMENT

7 1 0
                                    

(Previously)


Nagkatinginan na lang sina Natasha at Lawrence.

Napangisi at natatawa na lang si Natasha, "Shit.".


"Hindi siya nagsabi ng totoo. Delikado na tayong lahat.", seryosong tanto naman ni Lawrence.


"I couldn't believe na tatama ang mga paratang ni Steph sa kanya.", iling ni Natasha. Kita ang labis na dismaya niya kay Maine.


"Ano nang plano? Nahuli na natin siya. Kelangan na 'to malaman agad ni Director Vic."

Napabuntong-hininga na lang si Natasha, "I'll do it. Ako nang bahala.".


Roon sa kusina, pasimpleng sumilip si Colleen kay Maine. Nakita niyang tulala lang ang kapatid habang may hawak na babasaging pitsel at kagat-kagat niya pa ang isang kuko sa kabilang kamay.


"HUUYY!!!", pag gulat ni Colleen kay Maine. Nabitawan niya ang hawak na pitsel at nabasag ito sa sahig.


Nagkalat ang tubig at bubog sa lapag sa paanan ng magkapatid. Agad naman silang pinuntahan nila Natasha at Lawrence.

"Okay lang kayo? Anong nangyari?", pag-aalala ni Natasha.


"S-sorry nabitawan ko 'yung pitsel.", paumanhin ni Maine sabay tingin kay Colleen, "Bakit ba kasi nang gugulat ka?!".


"Biro lang naman! Malay ko ba... mukha ka kasing stressed masyado!", inis naman ni Colleen.


Nainis rin si Maine at bigla na lang siya nag walkout sa kusina, diretso sa kwarto. Malakas niyang sinara ang pintuan na rinig sa buong bahay.


"We should go.", paalam ni Natasha. "Now is not the best time for confrontation.".

"Nakakahiya sa inyo. Pasensya na kayo sa kanya.", paumanhin naman ni Colleen.


Lumuhod naman si Lawrence para damputin ang ilang malalaking bubong.


"Uyy! 'Wag. Ako na dyan.", pigil ni Colleen sa kanya.

"Okay lang. Tulungan na kita.", giit naman ni Lawrence at patuloy lang siya sa pagdampot.


Nang matapos maglinis, muling tinignan ni Natasha si Colleen at tumungo.


Kitang naintindihan ni Colleen ang ibig nitong sabihin at kalauna'y umalis na rin ang dalawa sa bahay nila Maine.


________________________________________________


Sa condo ni Catherine sa Maynila.


[TIME:    2:00  PM]


Ligtas na nakabalik sina Catherine at Armando sa condo. Galit si Catherine na pumasok habang binubungangaan si Armando.

EL KAPITANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon