(Previously)
Sa CLARK AIR BASE, ANGELES CITY, PAMPANGA...
Sa lobby ng Air Base...
Natapos na ang pag-uusap nila Natasha at Stephanie nang lumapit si Antonio. May dala siyang makakapal na mga journals (Aircraft manuals).
"Done reading?", tanong ni Natasha kay Antonio.
Napakamot na lang siya sa ulo, "Ah... eh... Oo, natapos ko na.".
"Good. Now... it's time for you to apply what you've understood.", ngisi ni Natasha at napatingin sa kanya si Benjamin.
"'Wag 'kang kabahan, pare. Kaya mo 'yan.", ngiting bati naman ni Benjamin kay Antonio sabay tapik sa braso.
"Sana nga...", bulong naman ni Antonio sa sarili.
Ilang sandali pa, dumating sa lobby ang Commanding General of the Air Force na si Lieutenant General Rozzano Dosado Briguez. Kasunod niya ang iba 'pang opisyal sa air base habang papalapit sa kinaroroonan ni Natasha.
"Hi!", masayang bati ni Natasha sa General.
"Natasha! Good morning! It's good to see you.", masayang bati rin ni General Briguez. "Kamusta? Mukhang may kasama 'kang trainee ah?".
Napangiti at kibit-balikat na lang si Natasha, "Kailangan eh.".
"Retired Major Benjamin! Long-time no see!", bati 'rin ng General kay Benjamin.
"Kaytagal na nga, Mr. Lieutenant General, SER!", biro naman ni Benjamin sa kanya habang nakipagkamayan.
"Ha ha! 'Di pa 'rin talaga kayo nagbabago.", tuwa sa kanila ni General Briguez. "By the way, I want to personally thank you and the ALLIANCE for helping and funding the air base. Kung may kailangan kayo, you tell me. Tutulong kami.".
Napansin ng General na nangingilala ng tingin sa kanya si Antonio, "Iho, 'wag 'kang mag-alala. Kakampi niyo ko. Ha ha!".
"General.", tawag ni Natasha.
"Yes?", sagot niya.
"Are we prepared?", seryosong tanong ni Natasha at naintindihan ito agad ng General.
"We have to be... A wise man never seeks out war.", direcho niya namang sagot.
"But he must always be ready for it.", ngiting dugtong naman ni Natasha at napangisi rin si Benjamin.
Roon, natahimik na lang si Antonio. Alam niyang batay sa mga naririnig ay inihahanda na siya ng ALLIANCE sa mga matitinding pagsubok sa hinaharap...
_________________________________________________
Sa mansyon ni Natasha sa MANILA...
[TIME: 1:00 PM]
Gaya ng kinwento ni Natasha kay Stephanie, roon nga nagdate sina Lawrence at Lizzel. Katatapos lang nila kumain kasama ang mga bata. Naiwan ang dalawa sa kusina para magligpit at maghugas ng mga pinagkainan.
Si Lizzel, nagsuot na ng apron at nag-umpisa nang maghugas sa lababo. Si Lawrence naman, inaayos ang mga upuan at naglilinis ng mahabang lamesa.
Napatingin na lang si Lawrence kay Lizzel, "Pasensya ka na. Ako na dapat dyan, Lizz. Antayin mo na lang ako sa sala.".
Nilingon rin siya ni Lizzel at napangiti, "Ayos lang. Sanay naman ako sa mga gawaing bahay.".
BINABASA MO ANG
EL KAPITAN
AksiA story of hope, second chances, loyalty, perseverance and love. Written based on brief historical and current day events. A man from the past, veteran, patriot wakes up to the modern day era to live his second life only to realize that he lost ever...