CHAPTER 10: MUNTING PAG-ASA

23 0 0
                                        

Sabay silang pumasok sa harapan ng malaking bahay. Pagbukas pa lang nila ng pintuan, bumungad sa kanila ang maraming mga bata at ilang teenager.

"ATEEE NAAAATTTTT!!!!", sabay-sabay na sigaw ng mga bata.

"Hi!", masayang bati naman ni Natasha sa mga bata at may ilang paslit namang tumakbo para yumakap sa kanya. Agad naman niyang kinarga ang isa sa mga paslit.

Nakita ng paslit si Antonio sa labas ng pintuan na nakatingin sa kanila.

"Sino siya, Ate Nat?", tanong ng bata kay Natasha at napatingin siya sa labas.

"Halika.", aya ni Natasha kay Antonio at agad 'rin siyang pumasok.

Napatingin ang ibang mga bata at kinanchawan silang dalawa.

"Uuuyyy! Si ateeee..."

"Ayieee..."

"Kiiiissssss!"

"Uyyy! Anong kiss?!", sita ni Natasha sa mga bata.

"Nagkakamali kayo.", nahihiyang sabi naman ni Antonio. Pinagpawisan siya sa panganganchaw ng mga bata sa kanila.

Humarap naman si Natasha sa kanya habang karga ang paslit at pinunasan niya ang pawis na noo ni Antonio ng kanyang kamay.

"Pasensya ka na sa kanila. Tuso na ang mga bata ngayon.", natatawang paliwanag ni Natasha kay Antonio.

Ilang sandali pa, may lumapit sa kanilang matanda na galing sa kusina.

"Shhhh! Magsitigil nga kayo. May bisita tayo ohh. Kayo talaga..", sita ni Nanay Josie, ang matandang nangangalaga sa mga bata at sa buong lugar.

", sita ni Nanay Josie, ang matandang nangangalaga sa mga bata at sa buong lugar

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Nay!", masayang tawag ni Natasha.

"Nat! Matagal ka na 'ring hindi napunta dito.", bati rin ni Nanay Josie sabay yakap kay Natasha.

"Oo nga po eh, medyo marami lang 'pong inaasikaso.", paliwanag niya naman kay Nanay Josie at ibinaba niya na ang kargang paslit.

"Alam mo, namiss ka ng mga bata. Lagi ka nila tinatanong kung kelan ka ulit pupunta dito."

Napabuntong-hiniga na lang si Natasha, "Kung pupwede lang sanang araw-araw, 'Nay. Dadalasan ko na lang pagpunta ko pag may time.".

Napansin naman ni Nanay Josie si Antonio, tumingin siya sa kanya na parang kinikilala...

"Siya na ba 'yung kasama mo?", tanong ni Nanay Josie habang nakipagkamay kay Antonio.

"Antonio po. Ikinagagalak ko ho kayong makilala, 'Nay Josie.", pakilala naman ni Antonio sa sarili sabay mano.

"Aba! Ikaw talagang bata ka, parang sobrang tanda ko naman na.", natatawang sabi ni  Nanay Josie kay Antonio. Napansin niya 'ring humihikab na ang ilang bata.

EL KAPITANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon