Calamba, Laguna 1867
Sa isang hapon sa pamamahay sa Calamba, rito nakatira ang pamilya Rizal. Si Jose ay anim na taong gulang pa lamang kasama ang Inang si Teodora Alonzo y Quintos.
"Pepe! Pepe! Mag-aaral na tayo, halika na't maupo." Wika ng kanyang inang si Teodora habang binubuklat ang hawak na aklat.
"Opo, inay!" sagot ni Jose (Pepe) habang patakbong lumapit sa kanyang ina.
Sa kalagitnaan ng pagtuturo ni Teodora kay Jose, may napansin siyang isang musmos sa kanilang pintuan na tila nakatingin at nakikinig.
"Isang sandali lang, Pepe" wika ng kanyang Ina at nilapitan ang musmos.
"Oh, iho. Anong ginagawa mo diyan?"
Hindi umimik ang bata at nagbigay lang ito ng kaawa-awang tingin.
"Tsk. Halika nga rito. Mataas ang sikat ng araw, mainit diyan." Sabay hinawakan niya ang musmos at ipinasok sa kanilang tahanan.
Nakita ito ni Jose at agad siyang lumapit, "Ako si Jose, anong pangalan mo?"
Wala pa ring binitiwang salita ang musmos nang biglang....
"Ang rumi ng iyong kasuotan! Marungis din ang iyong katawan! Diyos ko! saan ka ba nanggaling, iho? Tsk. Di'bale. Dito sa pamamahay ko, ayoko ng nakakakita ng batang napapabayaan. Lilinisan kita, halika sa palikuran." Wika ng kanyang inang si Teodora.
"Pepe, rito ka lang at aasikasuhin ko lang siya saglit."
"Opo, ina." Tugon ni Jose.
Matapos malinisan at mabihisan ang musmos, sinama niya ito kung saan tinuturuan si Jose.
"Aba! Tingnan mo nga naman. Eh ka-gwapo din ng batang ito." Wika ni Teodora habang kandong at pisil ang pisngi ng bata.
"Nais mo bang maki-isa kay Pepe sa pag-aaral?" tanong niya sa musmos nang may biglang tumunog...
*KRRGGHH!!.....*
"Ano iyon? Teka, ikaw ba'y nagugutom iho?"
Tumungo ang musmos habang hinahawakan nito ang kanyang sikmura.
"Ha! Ha! Ikaw pala iyon. Nakakatuwa kang bata ka." giliw na wika ni Teodora.
"Ina, kain kami." wika ni Jose habang hinahatak ang kamiseta ng kanyang ina.
"Oh, sige. Samahan mo siya at mag-usap kayo. Kukuha lang ako ng maiinom." wika ng kanyang ina.
Habang kumakain ang dalawang bata sa hapagkainan...
"Anong ngalan mo?" tanong ulit ni Jose.
"Antonio." Sagot ng musmos habang lobo ang mga pisngi kakakain.
"Ako nga pala si Jose, tawagin mo na lang akong Pepe." Pakilala niya.
"Dahan-dahan lang, kaibigan. Walang aagaw sa iyong pagkain... Marunong ka naman pala magsalita." Natatawang habol ni Jose.
Ilang sandali pa'y may biglang kumakatok sa pinto. Agad na nilapitan ito ng kanyang inang si Teodora. Bumungad sa kanya ang tila mag-asawa.
BINABASA MO ANG
EL KAPITAN
ActionA story of hope, second chances, loyalty, perseverance and love. Written based on brief historical and current day events. A man from the past, veteran, patriot wakes up to the modern day era to live his second life only to realize that he lost ever...