CHAPTER 27: PERSON OF INTEREST

12 0 0
                                    


Tahimik at dahan-dahang pumasok si Natasha para pumunta sa likuran ni Dex. Inilapit niya ang sarili sa may tenga niya. Nang matapos magsalin-salin ng mga kemikal...


"Deexx...", bulong ni Natasha.


Laking gulat ni Dex at agad siyang napaharap kay Natasha. Kamuntikan niya nang mabitawan ang hawak na mixture.


"AAAAHHH!", sigaw ni Dex at nagtaka naman si Natasha.


"Bakit? Anong nangyari?!", tanong pa niya.

"Muntik ko lang naman mabitawan. Muntik na! Konti na lang eh! Konti...", sarcastic na sabi ni Dex.


"Ano ba kasi 'yang ginagawa mo? Mukha kasing busy ka kaya naisip 'kong abalahin ka.", biro pa ni Natasha.


"Ilang buwan ko 'tong pinag-aralan, Nat. Tapos ilalaglag ko lang? Nooo waayyy!", at maingat nang inilapag ni Dex ang hawak sa lamesa.


"Ano ba 'yan?", tanong ni Natasha.


"'Yan? 'Yan pa lang naman ang sample ko. Tina-try 'kong gumawa ng isang element or substance na pupwedeng ihalo sa bakal o alloy. Para lalong tumibay o kaya naman maging iba ang property.", paliwanag naman ni Dex.


"To make it more versatile?"


"Well.. Oo. Later on 'pag gumawa ako ng alloy, susubukan 'kong ihalo ang iba't-ibang variations nitong mixture na 'yan. Titignan ko kung may magbabago sa property ng alloy... Malay mo, magamit niyo 'to sa mga operations niyo.", dagdag pa niya.


"Hmm.. an alloy? I'm guessing it won't be a firearm. Right? Aanhin naman ang bakal sa operations kung 'di protection. Body armor? Helmet? Masks? an knife maybe?", suhestyon ni Natasha.


"H....how about a frisbee?", ngiting suhestyon rin ni Dex. "Marunong naman siguro kayong umasinta at maghagis, di'ba?".


Napangiti na lang si Natasha at tumungo na lang, "I get it.".

"Oh ha!", tuwa ni Dex at itinaas niya ang kamay para makipag-apir kay Natasha.


Um-apir naman si Natasha, "Ang galing mo dyan kung magawa mo 'yan... Bigla naman akong naexcite sa pinaplano mo.".


"Aba dapat lang! Hah!", taas noo ni Dex. "Teka. May iba pa pala akong innovations dyan. Gadgets. Gusto mo ba makita? May assignment ka na ba?".


"Meron na. That's why I'm here. I need to talk with the best.", ngisi ni Natasha.


"Welcome to Dexter's Lab!", taas noo at open-arms naman na sabi ni Dex.


Roon, ipinakita ni Dexter kay Natasha ang mga nakatabi niyang mga equipment at gadgets sa Robotics Lab. Inilapag niya iyon lahat sa lamesa sa harapan ni Natasha.

EL KAPITANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon