A story of hope, second chances, loyalty, perseverance and love. Written based on brief historical and current day events. A man from the past, veteran, patriot wakes up to the modern day era to live his second life only to realize that he lost ever...
"Nakapatay na 'yung mga ilaw sa loob.", tanto ni Natasha.
"Ginabi na tayo ng uwi. Pasensya ka na."
"Okay lang. Nag-enjoy ako.", ngiting sabi niya.
Ilang sandali lamang, lumapit pa si Natasha at bigla niya na lamang akong niyakap ng mahigpit.
"Thank you.", bulong pa niya at hindi pa rin niya ako binibitawan.
Muling tumibok ng malakas ang aking puso. Napakasaya ko. Nadadala na ako ng bugso ng aking damdamin... Ano ba ito... Patawarin mo sana ako.
"Nat.", bulong ko sa kanya at tumingin siya sa akin.
Nais 'kong siguraduhing hindi mo malilimutan ang gabing ito.
Bigla ko na lamang hinawakan ang kanyang mga pisngi at marahan 'kong inilapit ang aking sarili.
Hinalikan ko si Natasha...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ilang segundo 'ring nakalapat ang aming mga labi sa isa't-isa.
Pagtapos ay muli ko na siyang tinignan habang dahan-dahang inilayo ang sarili. Pilit 'kong tumayo ng diretso ngunit ramdam 'kong nanlalambot ang aking mga tuhod sa aking nagawa. Mabilis at napakalakas pa rin ng tibok ng aking puso... ang init-init ng aking pakiramdam, ramdam ko na ang pawis sa aking noo...
Hindi pa rin naka-imik si Natasha, nakatingin lamang siya sa akin, tila nabigla.
Patawarin niya sana ako. Marahil ay magagalit siya sa akin at kung ano man ang kanyang magawa... handa ako. Tatanggapin ko kung ano 'mang kaparusahan ang ipataw niya sa akin. Bahala na...
Nakatitig pa rin siya, ilang sandali pa'y nilapitan niya pa ako. Pinunas niya ang kanyang kamay sa aking pawis na noo.
"Pinag pawisan ka sa ginawa mo noh?", seryosong tanong naman niya.