(Previously)
Bumwelo na ang lalaki para itarak sa puso ni Antonio ang patalim. Bago pa bumaon ang talim, binaril ni Natasha ang kutsilyo. Sa halip na sa puso, sa may kaliwang dibdib na ni Antonio bumaon ang patalim (Pectoralis Major Muscle below the Clavicle).
"A-agh--", hingalo na ni Antonio.
Hindi agad nakasalag ang lalaki at nabaril na siya ni Natasha ng ilang beses sa dibdib at isinalag niya ang kanyang mga braso. Patuloy lang sa pagpapaputok si Natasha hanggang sa maubos ang laman ng magazine ng hawak na pistol. Napaatras ang lalaki sa mga pag tama ng bala at dumiretso siya sa may bintana at nahulog.
"T-Tony.", inda ni Natasha habang hawak ang batok. Binitawan na niya ang baril at pinilit na gumapang papunta kay Antonio.
Tumulo na lang ang mga luha ni Natasha habang pilit na kinakalong ang duguang si Antonio. Niyakap niya ng mahigpit si Antonio habang tinatapik-tapik ang pisngi.
"Tony... T-Tony...", iyak ni Natasha.
"H-hey... stay with me... okay? please..."
"'Wag mo 'kong iiwan."
Ilang sandali pa, dumating na ang ilang ALLIANCE Assault Team sakay ng ilang Armoured Van.
Dali-dali nilang pinalibutan ang bahay at pumasok ang ilang miyembro at leader ng team. Si Leonard Pantaleon.
__________________________________________________
"Nat!", sigaw ni Leo habang papalapit. Lumuhod rin siya sa tabi ni Natasha, "Anong nangyari?! Ayos ka lang?!".
Hindi makapagsalita agad si Natasha at patuloy lang sa pag-iyak.
Ilang sandali pa, tumingin na siya kay Leo.
"Nasaan na 'yung mga EMTs?!", pagluhang tanong ni Natasha habang sinusubukang patigilin ang pagdugo ng mga sugat ni Antonio.
Natataranta naman si Leo sa mga naganap, "N-nandito na sila. Kasabay namin.".
Ilang sandali pa, sumunod nang umakyat ang EMTs na may hatak-hatak na stretcher at kagamitan.
BINABASA MO ANG
EL KAPITAN
ActionA story of hope, second chances, loyalty, perseverance and love. Written based on brief historical and current day events. A man from the past, veteran, patriot wakes up to the modern day era to live his second life only to realize that he lost ever...