(Previously)
KINAGABIHAN.
[TIME: 6:00 PM]
Sa condo ni Catherine sa Manila.
Muling bumalik si Armando sa condo, pagbukas niya ng pinto ay agad siyang sinalubong ni Catherine.
"Saan ka nanggaling?", bungad niya.
Hindi siya sinagot ni Armando at tuloy-tuloy lang siya sa paglakad padiretso sa kwarto.
Sumunod naman si Catherine para komprontahin pa si Armando. Nakaupo na siya sa gilid ng higaan.
"Tinatanong kita. Saan ka nagpunta?", seryosong tanong ulit ni Catherine pero hindi pa rin siya iniimik ni Armando. "Ano? Balik na naman tayo sa ganito?!".
Tinignan lang siya ng masama ni Armando at napaiwas na lang ng tingin si Catherine.
"Maghanda ka ng ilang tao. May pupuntahan tayo.".
"Huh? Saan?", taka ni Catherine.
__________________________________________________
Sa apartment ni Aldren sa Manila.
[TIME: 9:00 PM]
Nasa kwarto na si Aldren, nakapatay na ang mga ilaw habang nagreresearch sa kanyang desktop.
Nag-ring bigla ang kanyang cellphone, agad niya itong tinignan. Tumatawag si Maine.
"Hello.", sagot ni Aldren sa tawag.
"Hello.", bati naman ni Maine.
"Napatawag ka? Nakapagdesisyon ka na ba?", ngising tanong agad ni Aldren.
"H-hindi. Hindi pa."
"Oh, eh bakit? May problema ba?", tanong ni Aldren.
"Mag...kaibigan naman na tayo di'ba?", nahihiyang tanong ni Maine.
"Oo naman. Ano ba kasi 'yun?", ngiting sabi naman ni Aldren.
"Sa'ting dalawa lang 'to ha?", pakasiguro naman ni Maine.
"Oo nga..."
"Promise?"
"Promise.", at napangiti na lang si Aldren habang nagreresearch.
"Sige...", at roo'y hindi na nagsalita si Maine.
........
BINABASA MO ANG
EL KAPITAN
ActionA story of hope, second chances, loyalty, perseverance and love. Written based on brief historical and current day events. A man from the past, veteran, patriot wakes up to the modern day era to live his second life only to realize that he lost ever...