Nag simula na ang madugong himagsikan laban sa Espanya.
Ika-29 ng Agosto, nagsimula nag paglusob ng daan-daang mga Katipunero sa Civil Guard Garisson sa Pasig at madaling araw naman ng pangunahan ni Andres Bonifacio ang pag atake sa San Juan Del Monte (Pinaglabanan). Hindi siya nag tagumpay, maraming miyembro ang namatay at napilitan silang umatras.
Ang iba'y nabihag. Sa ibang lugar, umatake naman sa Mandaluyong, Sampaloc, Sta. Ana, Pandacan, Pateros, Marikina at Caloocan maging sa Makati at Taguig ang kilusan.
Sa pagkatalo ni Bonifacio sa San Juan Del Monte (Pinaglabanan), nag-ipon muli sila ng pwersa at inatake ang Marikina, San Mateo at Montalban. Sumunod na nag-alsa ang mga bayan ng Cavite ilang araw lang ang makalipas.
Ika-30 ng Agosto, lumaganap ang pag-aalsa sa walong probinsya. Ang Manila, Bulacan, Cavite, Pampanga, Tarlac, Laguna, Batangas at Nueva Ecija. Si Goberndor-Heneral Blanco ay nagdeklara ng Batas Militar sa mga nasabing probinsya. Itong mga probinsya ang siyang sumagisag sa walong sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas.
Nag pakita ng pwersa ang Espanya sa pag hihimagsik ng mga Pilipino.
Ika-6 ng Setyembre, ang mga rebeldeng nahuli sa Pinaglabanan ay hinatulan ng kamatayan at binaril sa Bagumbayan. Anim na araw ang lumipas, hinatulan naman ng kamatayan ang labin-tatlong Martir ng Cavite sa Fort San Felipe sa mismong bayan.
Sa paglalayag ni Jose papuntang Cuba, isang telegrama ang dumating sa Port Said. Nakasaad na pinababalik siyang muli sa Pilipinas upang harapin ang mga bintang sa kanyang siya ang utak ng himagsikan. Inaresto at nakulong si Jose sa Barcelona noong ika-6 ng Oktubre. Pinabalik siya sa mismong araw na iyon para humarap sa korte sa pag-akusang may kinalaman sa Katipunan at mga miyembro nito.
Sa buong byahe niya pabalik ng Pilipinas, hindi siya ginapos at walang Guardia ang humawak sa kanya. Marami siyang pagkakataong tumakas ngunit hindi niya ito ginawa.
Nakulong si Jose sa Fort Santiago, humarap siya sa mga paglilitis sa mga salang Rebelyon, Sedisyon (panunulsol laban sa pamahalaan) at Pakikipag sabwatan (conspiracy). Hinatulan siya ng parusang kamatayan sa Bagumbayan (Luneta).
Nabalitaan ito ng lahat. Nanlumo ang mga kaibigan ni Jose sa balita. Katahimikan ang kanilang naging usapan sa sasapitin ng kaibigan.
.....
"Ano nang gagawin natin?", mahinang wika ni Flora.
"Wala. Wala na tayong magagawa pa.", tugon ni Carlos na parang nakatingin sa kawalan.
"P-pero hahayaan na lamang ba nati-", pag-aalala ni Maria.
"WALA TAYONG MAGAGAWA! ANO KA BA?!", sigaw ni Carlos habang napatayo sa kinauupuan.
"HOY! 'WAG MONG MASIGAW-SIGAWAN ANG SINO MAN SA ATIN!", sita naman ni Antonio.
"BAKIT?! AT ANO ANG GAGAWIN MO, AH? PAPATAYIN NILA ANG KAIBIGAN NATIN AT NARIRITO LAMANG TAYO'T WALANG MAGAWA!", dagdag pa ni Carlos.
"Tama na! Tumigil na kayo! Para kayong mga bata!", at sabay ng inawat ni Flora ang dalawa.
"Walang may gusto sa ating mangyari ito... at batid kong hindi niya tayo gustong madamay.", paalala ni Maria sa lahat.
.....
"Patawarin niyo ako... Patawad, Maria.", kalmang sabi ni Carlos sabay alis.
"Sandali... Saan ka pupunt-", tanong ni Flora.
![](https://img.wattpad.com/cover/262437711-288-k67294.jpg)
BINABASA MO ANG
EL KAPITAN
ActionA story of hope, second chances, loyalty, perseverance and love. Written based on brief historical and current day events. A man from the past, veteran, patriot wakes up to the modern day era to live his second life only to realize that he lost ever...