Paulit-ulit lang na tinutuktok ni Director ang hawak na ruler sa lamesa hanggang sa makuha niya ang atensyon ng lahat...
"Umpisahan na natin. Dex?", tawag ni Director.
*Ahem* "Magandang araw sa inyong lahat. Ako si De--"
"DEX.", sita naman ni Natasha.
Natigilan naman si Dex at nakangiti pa rin habang napakamot sa ulo, "Okay. Sorry. Lalakad-lakad ako habang nagsasalita ah? Pwede?".
Tumungo na lang sa kanya si Director at nagumpisa na nga maglakad paikot sa kanila si Dex.
"Well... Una sa lahat, ano nga ba ang Cryostasis? Ito ang proseso ng pagpapababa ng temperature ng katawan sa zero or freezing point. Kadalasan, ginagawa ito sa mga corpses o bangkay para ipreserve for later use. May ilang terms na applicable dito tulad ng cryonics o cryopreservation at may iba pa. Pero sayo, it's another story...", paliwanag ni Dex habang nagpapatungkol kay Antonio.
"Sa akin?", taka ni Antonio.
Napatigil si Dex at tumingin kay Natasha.
"Tony, we found you in one of our enemy's shipment."
"Kalaban?", taka pa ni Antonio at napatingin siya kay Natasha.
"Ang sabi sa Journal mo, you were chosen as one of their "dying" subjects during the Philippine-American War in 1899. You were labelled as subject #7. They also noted that you were at Zapote, Las Piñas. Do you remember?"
Panandaliang natahimik si Antonio, hindi siya makapaniwala sa kanilang sinasabi.
"O-oo. Naaalala ko."
"Dagdag ko pa, sabi sa Journal mo may ilang drug trials silang sinubukan sayo. Halo-halo na ang nabigay kaya wala tayong exact formulation kung papaano at ano ang nagligtas sayo. Mukhang maski sila, hindi rin sigurado. Noted and detailed naman lahat ng ginawa at ginamit nila pero hindi pa rin nila kayang ipaliwanag. Pupwede kasing Pharmacodynamic drug to drug interactions ang nangyari. So... aalamin pa natin.", paliwanag pa ni Dex.
"Tanong. Makakaya mo ba gawan ng paraan yan para malaman natin?", tanong naman ni Leo kay Dex.
"Hindi ko maipapangako pero sige, titignan ko.", sagot naman ni Dex.
"So, ibig ba sabihin.. Si Antonio, Enhanced?", tanong ulit ni Leo.
Roon, bahagyang hinigpitan ni Natasha ang pagkakahawak sa kamay ni Antonio at muli siya napatingin.
"Yes.", sagot naman ni Natasha at napatingin silang lahat sa kanila.
BINABASA MO ANG
EL KAPITAN
AksiA story of hope, second chances, loyalty, perseverance and love. Written based on brief historical and current day events. A man from the past, veteran, patriot wakes up to the modern day era to live his second life only to realize that he lost ever...
