DATE: JANUARY 07, 2019
TIME: 04:00 PM
LOCATION: A BUILDING IN MANILA
[SOMEONE'S POV]
Bigla na lamang nagising ang aking diwa...
Nananaginip lamang ba ako? Ang tahimik, naririnig ko ang aking sarili mag-isip.
Dahan-dahan 'kong iminulat ang aking mga mata. May liwanag...
Sandali, nasaan na ba ako? Lumingon-lingon ako sa aking paligid. Sa aking kaliwa, may isang bulaklak at basong puno ng tubig na nakapatong sa lamesa. Sa aking kanan naman, may isang parihabang bagay na malaki. Kulay puti ito at nakadikit sa pader ng kwarto (Floor Mounted Aircon). Marahil roon ata nagmumula ang malamig na hanging nadarama ko.
Sa aking paanan nama'y merong isang pintuan. Sa tabi nito'y may nakasabit na larawan ng isang kubo sa tabi ng mga bulubundukin. Dahan-dahan akong bumangon sa malambot na higaan at ako'y naupo sa may paanan nito.
Bakit iba ang aking pakiramdam? Tila magaan? Ano na 'bang nangyari sa akin?
Napatingin ako sa aking suot. Ako'y nakasuot ng puting damit na may imahe ng araw sa dibdib at itim na telang pantalon? Agad 'kong napansing kakaiba ang aking pangangatawan. Hindi ko na ito makilala, bakit parang lumaki? Triple o higit pa siguro ito sa kasalukuyan. Malayong-malayo na ito sa dati.
Kakaiba ang laki at hubog ng aking braso, maging ang aking dibdib... Buong katawan ko'y kakaiba. Pakiramdam ko'y nasa katawan ako ng ibang tao. Marahil'y ako'y nananaginip pa rin?
Biglang may kumatok sa pintuan. May pumasok na isang babaeng maayos ang pananamit. Nakaputi, napaka-linis tignan at may nakalagay na tila sumbrerong puti sa buhok (nurse). Malugod niya akong binati't kinausap.
"Magandang umaga, ginoo. Nagising ka na pala. Ako pala si Joy, ako ang mag-titingin sa'yo ngayon."
".... M-magandang umaga din, binibini. Ngunit, nais 'kong malaman kung nasaan ako? Anong lugar ito?", seryoso 'kong tanong.
"Ah, naririto ka ngayon sa isang pagamutan sa Maynila.", sagot ni Joy sa akin.
Napaisip na lamang ako sa kanyang sinabi. Sa Maynila? Sa huli 'kong pag-kakaalala... Teka... Hindi ko lubusang maintindihan, gusto 'kong lumabas. Gusto 'kong makita kung ano nang nangyari.
Agad akong tumayo at dahan-dahang lumakad patungo sa pinto, ilang hakbang lamang ay mabilis akong nilapitan at pinigilan ng binibini.
"Ginoo, hindi ka pa pwedeng lumabas. Kailangan mo 'pang magpagaling.", habang hawak niya ang aking braso.
"Pag pasensyahan mo na, binibini ngunit kailangan 'kong makita ang mga kasamahan ko.", pakiusap ko sa kanya at marahang niyang inalis ang kanyang kamay sa akin habang patuloy akong lumakad.

BINABASA MO ANG
EL KAPITAN
AksiyonA story of hope, second chances, loyalty, perseverance and love. Written based on brief historical and current day events. A man from the past, veteran, patriot wakes up to the modern day era to live his second life only to realize that he lost ever...