CHAPTER 40: BREACH

6 0 0
                                        

(Previously)


Muling nasaksihan ni Catherine kung paano tratuhin ng EMPIRE si Armando. Kinakaladkad at pilit siyang iniupo sa upuang bakal at isa-isang nilagyan ng mga gapos ang kanyang mga kamay at binti.

Nilapitan na nila si madam "M" at sabay na nagbigay-galang.

"Ano na 'bang binabalak 'mong gawin kay Armando, madam?", tanong ni Ian.


"Kung ano ang dapat gawin. Isa siya sa mga paborito mo di'ba?", sarcastic na tanong naman ni madam.

"Paborito talaga? Valued asset is the correct term, madam.", sarcastic na sagot rin sa kanya ni Ian.


"Pwes, pumalpak 'yang valued asset mo. Nagkakaruon na siya ng sariling isip, Ian. Konting panahon pa, hindi na natin mapapasunod 'yan.", giit pa ni madam.


"Nasolusyonan na sana ito ng mas maaga kung ginawa mo lang ang binin ko!", gigil naman ni madam kay Catherine.


"Patawad po, madam. Naawa lang ho talaga ako.", naiilang na rason naman ni Catherine at napatingin si madam ng masama sa kanya.


Nangisi na lang bigla si madam, "Naaawa? Sino naman ang nagturo sa'yong maawa? 'Yang Armando na 'yan? Lumalambot ka na ba, Cath?".


Nakayuko na lang si Catherine, hindi na siya umimik pa kay madam.

"Pasensya na po talaga.", paumanhin pa niya.


Nilapitan naman ni Ian si Armando habang inaayos at ihinahanda siya ng ilang doktor. Inalis ni Ian ang itim na telang nakabalot sa ulo ni Armando.

"Armando.", tawag ni Ian ngunit hindi siya inimik ni Armando o kumurap man lang.


Nailing na lang si Ian at muling bumalik sa tabi nila madam "M" at Catherine.

"Wala.", dismaya ni Ian. "Apathetic na naman siya.".


"Ipabura mo ulit ang memorya niya.", utos ni madam.

"Masusunod, madam.", sagot naman ni Ian.


"Nalalapit na ang Shadow Auction sa SINGAPORE.", paalala naman niya kay Ian.

"May... napili na ho ba kayong pupunta in our behalf, madam?", tanong pa ni Ian.


"Meron na. Kaya't maghanda ka.", ngisi na ni madam "M".


"Sige ho.", sang-ayon ni Ian.


______________________________________________



Naiayos na ng mga doktor si Armando sa may bakal na upuan. Kinabitan siya ng ilang electrodes sa ulo at katawan at naka monitor na rin ang kanyang Vital Signs sa isang Cardiac Monitor.  

Lumapit na ang isang doktor kila madam at Ian.

"Nakaayos na po ang lahat."


EL KAPITANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon