A story of hope, second chances, loyalty, perseverance and love. Written based on brief historical and current day events. A man from the past, veteran, patriot wakes up to the modern day era to live his second life only to realize that he lost ever...
Ilang sandali pa, nakarinig sila ng sasakyang humaharurot na papalapit sa mansyon. Sumilip agad si Natasha sa kurtina ng bintana at napangisi, naglakad na siya papunta sa front door ng mansyon.
"Si Dex.", paalam niya kila Antonio at Lizzel bago buksan ang pintuan.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nakita niyang nakaparada na ang kotse sa harapan at dali-dali namang bumaba ng sasakyan si Dex.
"NAATTT!!!", napakasayang tawag niya habang may kinuha pa sa loob ng kotse.
Sumilip naman si Antonio sa bintana at roon, tanaw niyang may bitbit si Dex na dalawang malalaking suit case habang papalapit sa pintuan ng mansyon.
"Ano 'yan? Dito ka na ba titira?", taka ni Natasha. "Tara na sa loob.".
"Natapos ko naaaa!", tuwang sabi naman ni Dex habang papasok ng pintuan. "Heto na siyaaa! Ha ha!".
Pagkapasok ni Dex, inilapag niya na ang mga bitbit sa mesa ng sala.
"Dex.", ngiting bati ni Antonio at nakipag-kamay.
"Hello po.", bati rin sa kanya ni Lizzel.
"Uy! Hi! Magandang hapon, miss.", masayang bati rin ni Dex. "Toniooo! Mah men! Kamusta ka na?".
"Maayos na ako. Maraming salamat. Ikaw, kamusta ka na rin?", tapik naman ni Antonio sa braso ni Dex.
"Okay na okay! He he! Uy! Gusto 'kong makita niyo 'tong mga dala ko. NAT! Lika dito! Dali!", masayang tawag pa ni Dex at lumapit rin si Natasha.
"Tuwang-tuwa ka masyado, ano ba 'yan?!", taka pa ni Natasha habang nakakunot ang noo.
Sabay na binuksan ni Dex ang dalawang briefcase, "TADAAAAHHH! He he he!".
Kita sa hitsura nila Antonio at Natasha ang pagkabigla sa nakita...
____________________________________________
Masayang nakapamewang habang nakatingin si Dex sa dalawa para makita ang kanilang reaksyon.