CHAPTER 15: GRASP OF REALITY

8 0 0
                                    


[ANTONIO'S POV]


Nagpunta kami ni Natasha sa isang gusali, sa numerong "507" na pintuan. May kinuha siyang susi sa kanyang bulsa at bigla niya itong inihagis sa akin. Muntik ko pa itong hindi masalo. Haayy...


"Buksan mo.", utos ni Natasha sa akin. Hanggang ngayo'y seryoso pa rin siya.


Bakit niya ako dinala rito sa lugar na ito? Ano ba ang mayroon sa likod ng pintuang ito ?

Sinusian ko na ang pintuan, dahan-dahan ko itong binuksan... Isa itong malawak na silid, tila maliit na bahay. May salas, hapagkainan, palikuran at may isa 'pang kwarto sa loob. May ilan 'ring mga kagamitan sa loob.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Simula ngayon, dito ka na tutuloy.", ani ni Natasha.


Napayuko na lamang ako, "Sige. Maraming salamat, Natasha." at tumingin ako sa kanya.


Pumasok siya sa loob at tinignan niya ang bawat gamit at sulok ng silid. Nagpunta rin siya sa isa 'pang kwarto sa loob. Naiwan lamang ako rito sa may labas ng pintuan, nakatayo.


Nalulungkot ako. Hindi pa kami nagkakaayos at malalayo na ako sa kanila.


Pagtapos ni Natasha, agad 'rin siyang lumabas. Tumigil siya sa harapan ko at tumingin sa akin.


"Tony, look at me.", tawag sa akin ni Natasha.

"I have to go.", paalam na niya.


Tumungo na lamang ako. 


"I need you to have this.", dagdag pa niya at may inabot siya sa aking kamay. Isang parihabang bagay (Cellphone).


"Cellphone ang tawag dyan, in case you're wondering."


"Ah.. iyan pala ang tawag sa mga bagay na 'to.", tanto ko at napakamot na lamang ako sa ulo.


"May kahon sa kwarto mo, nandun na rin 'yung manual niyan. Gusto 'kong aralin mo kung paano 'yan gamitin.", dagdag pa ni Natasha.


EL KAPITANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon