CHAPTER 25: HAPPY HEARTS DAY

10 0 0
                                        


Biglang may nagvibrate sa bulsa ni Natasha. Kinuha niya ang cellphone at tinignan kung bakit.


"Wow. Feb 14 na pala bukas. Ang dami nang bumabati in advance.", ngiting sabi ni Natasha habang nagbabasa sa phone.


Natigilan naman si Antonio, naalala niya bigla na niyayaya ni Leo si Natasha bukas.

Ilang sandali pa, binalik na ni Natasha sa bulsa ang cellphone.


"So, ikaw...", sabi niya kay Antonio.

"A-ako?", taka ni Antonio.


"May plano ka ba bukas? Gusto mo 'bang lumabas?", ngiting tanong sa kanya ni Natasha.

"Ahh.. bukas na pala iyon.", tense na sagot niya kay Natasha at ibinaba niya sa lamesa ang baril.


"May inaya ka na ba lumabas bukas?", dagdag pa ni Natasha. Diretso lang siyang nakatingin kay Antonio, na parang may inaantay siyang sabihin.


"....w-wala pa eh.", mahinang sagot ni Antonio.


"May balak ka ba?", tanong pa ni Natasha.

"Hindi ko pa alam.", mahinang sabi pa ni Antonio at kitang parang nadismaya si Natasha.


"May problema ba?", biglang alalang tanong ni Antonio.


Napabuntong-hininga na lang si Natasha at yumuko, "Wala. Para kasing sumakit ulo ko.".


"Gusto mo 'bang sa susunod na lang natin 'to--", suhestyon ni Antonio nang bigla siyang natigilan nang tumalikod si Natasha at naglakad paalis.


"Sige, next time. I'll just take a break."



_______________________________________


[ANTONIO'S POV]


Napabuntong-hininga na lang si Natasha at yumuko, "Wala. Para kasing sumakit ulo ko.".


"Gusto mo 'bang sa susunod na lang natin 'to--", suhestyon ko nang bigla siyang natigilan. Tumalikod siya at nag-umpisang maglakad paalis.


"Sige, next time. I'll just take a break."


Kita 'kong nakahawak siya sa kanyang ulo. Ano kayang nangyari at sumakit bigla ang kanyang ulo? O baka nama'y galit na naman siya sa akin?!


Sinundan ko si Natasha palabas. Nagpahinga lamang kami ng saglit at umuwi na rin kami agad. Sumakay kami sa kanyang kotse at ako na ang nagmaneho papunta sa aking tinutuluyan, sa safe house. Buong byahe siyang walang kibo. Napakatahimik niya. Ni-hindi siya lumilingon sa akin.

EL KAPITANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon