CHAPTER 5: TWO-FACED

21 1 1
                                        


Ika-1 ng Mayo taong 1898 sa Manila Bay, may naganap na sagupaan sa mga sasakyang pandagat sa pagitan ng Espanya at Estados Unidos. Sandali lang ang naging labanan at sa sumunod na araw rin, natapos ito sa pagtatagumpay ng mga Amerikano sa mga Kastila. 


Napasakamay ng mga Amerikano ang Maynila, naging palatandaan ito ng papalapit na pagtatapos ng pamumuno ng Espanya sa Pilipinas.

 Nakikampi si Aguinaldo sa Estados Unidos upang lumaban sa Espanya. Ang ilang mga rebolusyonaryo at mga Pilipino mula sa pwersa laban sa Espanya ay lumipat sa pamumuno ni Aguinaldo.


Ika-28 ng Mayo, nang may karagdagang pwersa, 12 libong rebolusyonaryo ang sumalakay sa natitirang kuta ng Espanya sa Alapan, Cavite. Sa kauna-unahang pagkakataon, tuluyan ng napalaya ang Cavite sa pamumuno ng mga kastila.


Sumunod nito, ang Imus at Bacoor sa Cavite, at Las Piñas sa Morong, Macabebe at San Fernando sa Pampanga, Laguna, Batangas, Bulacan, Nueva Ecija, Bataan, Tayabas (Quezon) at mga probinsya ng Camarines ay napalaya na ng mga Pilipino. 


Sa bayan ng Laguna, ilang pwersa ng himagsikan ang patuloy na nagbabantay at tumutugis sa ilan pang mga kastilang umaalis. Matapos ng ilang taong paghihimagsik, muling nagbalik ang mga rebolusyonaryo sa kani-kaniyang bayan at tirahan.


Masayang nagbunyi ang mga tao sa bayan at muling nagkasama-sama ang kani-kanilang pamilya. Sa bayan ng Laguna, masayang nagbalik ang apat na magkaibigan. Sa kanilang pagdating, dumiretso sila sa tahanan ng Alvarez. Nagpaiwan si Carlos sa labas ng bahay upang mag muni-muni...

"Masaya ako't malaya na tayong makababalik sa ating bayan nang walang inaalalang peligro.", masayang wika ni Flora.

"Oo nga, sana'y tuloy-tuloy na ito.", tugon naman ni Maria habang inuunat ang dalawang braso pataas.

"Sana nga.", seryosong wika naman ni Antonio.

"Bakit parang hindi ka masaya?", tanong ni Maria.

"Hindi ko alam. Marahil siguro dahil hindi pa tapos itong laban. Hindi pa natin hawak ang lungsod ng Maynila.", sagot naman ni Antonio.

"Mas makabubuti siguro kung hindi na muna natin iyon isipin. Katatapos lamang ng gulo sa ating lungsod, nararapat lang na tayo'y makapag-pahinga.", paalala naman ni Flora.

"Marahil ay tama ka.", at napatingin si Antonio sa pintuan... "Nais ko munang magpahangin, maiwan ko muna kayo."


Nagtungo si Antonio sa labas ng bahay at nagkasama naman sila ni Carlos na nakaupo.

"Oh, ika'y magpapahangin din?", tanong ni Carlos habang sumandal sa dingding.

"Oo.", tugon ni Antonio sabay tingin sa malayo.

"Mukhang malalim ang iyong iniisip, Antonio?"

"Wala ito.. Naisip ko lamang, kalian kaya magwawakas itong gulo sa ating bansa?"

"Hindi ko iyan masasagot, kaibigan.", seryosong sagot ni Carlos.

"Alam ko... Marahil napapagod lamang ako, pasensya na.", sabay upo sa lapag si Antonio.



Ngumisi na lamang si Carlos.

"Pagod ka na bang lumaban?", tanong niya kay Antonio.

EL KAPITANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon