CHAPTER 21: FIRST MOVE

16 1 0
                                        



Nilibot ni Mimi ang kanyang mata at nakita niya si Natasha, kasama si Antonio na naghihintay. Mabilis siyang tumakbo papunta sa kanila.


Nang makita nila Natasha ang bata, agad rin nila itong sinalubong...



"MAMAAAA!", sigaw ng bata.



Lumuhod na si Natasha at niyakap siya ng mahigpit ng bata.



Natigilan sa paglalakad si Antonio sa sinigaw ni Mimi.



"Mama?", bulong ni Antonio sa sarili habang nakatingin sa mag-ina.



________________________________



[ANTONIO'S POV]



Sa aming paghihintay, may napansin kaming batang babae na patakbo sa aming direksyon. Mukhang nasa 4 o 5 taong gulang siya. Agad kaming tumayo para puntahan ang bata.



"MAMAAAA!", sigaw ng bata.



Lumuhod na si Natasha para salubungin ng yakap ang bata. 


Bigla akong natigilan habang magkayakap silang dalawa. H-hindi ko alam kung ano na ba ang nararamdaman ko sa oras na ito. Na-blangko bigla ang aking isipan...


Ilang sandali pa'y lumingon na silang dalawa sa akin. Taimtim akong tinignan ng bata.


"Eomma (mother in korean)... Sino siya?", tanong ng bata kay Natasha habang hinahatak ang damit niya.

"Hulaan mo.", ngiting sabi naman ni Natasha habang hawak ang mga pisngi ng bata.


Biglang natuwa ang bata at hinawakan niya rin ang kanyang pisngi, "SI PAPA?!".



P-pap--papa?!



Nakangiting yumuko na lamang si Natasha at parang may sinambit siya. Muli akong tinignan ng bata, nagtagpo ang aming mga mata. Ilang sandali pa'y bigla na lamang niya akong nginitian...


Bakit? May sinabi ba si Natasha sa kanya? Hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nasasaksihan. Nakaramdam ako ng kurot sa aking dibdib. Hindi ko ito gusto...


Roo'y may papalapit nang isang babae't lalaki kila Natasha, may mga dala at hatak-hatak silang mga kagamitan.

EL KAPITANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon