CHAPTER 47: HOMECOMING

5 1 0
                                    

(Previously)


MARINA BAY SANDS.


[TIME: 11: 00 PM]


Roon, tinrack na ng kasamang ALLIANCE ang kinaroroonan ni Natasha.


Tinanggal na niya ang suot na piring at maskara nang makarating sa lobby. Agad nang nagsuot ng earpiece si Natasha para kausapin ang mga kasamahan.


"Guys.", tawag na ni Natasha sa lahat ng kasamang ALLIANCE. "Event's over.".

"Copy.", sagot agad ni Stephanie sa earpiece.


"Anong nangyari? Ilang beses nawala 'yung audio mo kanina.", tanong agad ni Leo.

"Hindi ko rin alam. Matagal 'bang nawala?", kunwari ni Natasha.


"5-10 mins 'kang nawala 'tas babalik. Paulit-ulit.", sagot naman ni Lawrence.

"But were you able to record the whole thing?", tanong pa ni Natasha.

"Oo. May ilang parte lang na putol nung mawala audio mo."


"May nakita ka 'bang pamilyar na mukha?", usisa pa ni Leo.

"Negative. Hindi ko namukhaan 'yung buyer ng drug. Maraming tao at mahigpit silang nakabantay.".


"Pupuntahan ka na namin ni Stephanie sa lobby.", sabi naman ni Antonio at mabilis na lumakad na ang dalawa papunta kay Natasha.

Napatungo na lang si Natasha, "Copy that.".


Napaupo na lang si Natasha sa sofa ng lobby. Napayuko na lang siya habang nakatakip ng mga palad ang kanyang mukha.

"Where did it go wrong? What did I miss?!", bulong pa niya sa sarili.


Muling tumingala si Natasha at inalis ang mga kamay sa mukha. Sa 'di kalayuan, sa karamihan ng tao...


May nakita siyang isang babaeng nakatalikod at nagtanggal ng suot na maskara. Naka-pusod ang buhok niya at nakasuot ng parang Filipiñana.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Lumakad ang babae paalis, sinundan niya itong maglakad patungo sa isang hallway. Nang lumiko siya sa may dulo nito, bigla na lang may lumabas na isang lalaking may takip ang bibig at nakaitim na tactical suit sa isang pintuan para sumunod sa babae.

EL KAPITANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon