CHAPTER 39: MANIPULATION

6 0 0
                                    

(Previously)


[MAINE'S POV]--------------------


"Aldren.", tawag ko sa kanya.

"Yes?"


"Pumapayag na ko.", lakas loob 'kong sabi. "Natatakot na ko. Gusto ko na lang malaman lahat. Ayoko silang mapahamak. Tulungan mo ko.".


"'YON! Teka, sigurado ka na ba sa sinasabi mo? Baka naman gusto mo lang ako isahan?", duda naman niya.


Nag-panting ang tenga ko sa sinabi niya. Hirap na hirap na nga akong mag-isip at pumapayag na nga ako sa kagustuhan niya, palalabasin niya pa 'kong mang-gagancho?!


"GAGO KA BA?! PUMAPAYAG NA NGA AKO SA GUSTO MO, AYAW MO PA?!", gigil ko sa kanya. Narinig 'kong may bumagsak sa kabilang linya. Baka nabitawan niya yung cellphone nung sumigaw ako.


"'Wag 'kang sumigaw. Sorry. Sinisiguro ko lang. Naniniwala ako. Alam 'kong natatakot ka na.", paumanhin niya agad sa'kin. "Relax. Okay? Huminga ka munang malalim.".


Napapikit na lang ako at huminga ng malalim. Haaayy... Masyado na 'kong nai-istress. Sumasakit na ulo ko.


"Ano, okay ka na?", kamusta naman ni Aldren sa'kin.

"Oo.", sagot ko naman. "Pasensya ka na.".


"Ngayong magkasundo na tayo. Ipaaalala ko lang ulit, tapat pa rin tayo sa kanya-kanya nating organisasyon. Lahat ng ipapaalam, ipapakita at malalaman nating impormasyon ay mananatili lang sa'ting dalawa ha? Wala nang ibang dapat makaalam. Kahit na sino pa 'yan, kahit ano 'pang mangyari. Maliwanag ba 'yun?", seryosong paalala na ni Aldren. Ramdam 'kong seryoso na siya sa mga sinasabi niya.


"M-maliwanag.", utal ko 'pang sagot.



Diyos ko. Ano na ba 'tong ginagawa ko? Please, gabayan niyo ko sa lahat ng bagay na gagawin ko. Gusto ko lang naman tumulong. I'm sorry. Sana maintindihan nila...



[END OF MAINE'S POV]-------------------------


_________________________________________________


[TIME:  10: 00  AM]



Sa kabilang banda, pinuntahan ni Natasha ang nahuling tao ng EMPIRE sa ALLIANCE CORRECTIONAL FACILITYKasama niyang nagpunta sina Leo, Lawrence at Benjamin.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
EL KAPITANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon