A story of hope, second chances, loyalty, perseverance and love. Written based on brief historical and current day events. A man from the past, veteran, patriot wakes up to the modern day era to live his second life only to realize that he lost ever...
Nakatayo lang si Antonio sa pintuan ng garahe, may mga ingay siyang naririnig mula sa loob ng mansyon. Hinawakan na niya ang door knob at dahan-dahang binuksan ang pintuan.
Hindi niya ito mabuksan. Pansin niyang may mga numero at ilaw sa may door knob ng pinto. Ilang sandali pa, tumunog ito (Unlocked) at nagkulay berde ang ilaw.
Muli niya itong pinihit ang bumukas na ito, marahan siyang sumilip sa loob at nakita niyang naroroon sila Nanay Josie at Natasha pati na rin ang mga bata sa Mansyon.
Nakita si Antonio ng ilang mga batang nagtatakbuhan, "KUYA ANTONIOOOOO!!!"
Napatingin naman sa kanya si Natasha at Nanay Josie. "Tara!", yaya ni Natasha kay Antonio at roon nga'y pumasok na siya.
"Iho! Mabuti't naririto ka na!", bati ni Nanay Josie sabay yakap at halik sa pisngi.
"Maraming salamat sa pagligtas sa amin ha. Maraming salamat, Iho!", pasasalamat ni Nanay Josie habang hawak ang kamay ni Antonio.
"Ah.. Wala ho iyon, Nay. Masaya ako't ligtas kayong lahat.", masayang sagot naman ni Antonio.
"Siya nga pala, maghahain na kami ng hapunan ni Fe. Sabay-sabay na tayong lahat kumain. Teka, ihahanda ko lang 'yung hapagkainan. Tatawagin ko na lang kayo ha. Sandali lang.", sabi naman niya kay Antonio at agad rin pumunta sa hapagkainan si Nanay Josie.
"Hey.", tawag naman ni Natasha kay Antonio.
"Hi."
Lumapit si Natasha kay Antonio at muling hinawakan ang kanyang kamay.
"Tara, dito ka na muna sa sala.", aya ni Natasha at nagpunta na nga silang dalawa.
Naupo si Antonio sa upuan habang pinagmamasdan niya ang laki at magarang Mansyon ni Natasha. Tinitignan niya rin ang mga bata habang naglalaro at ang iba nama'y naghahabulan.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Wait lang ha. Tulungan ko lang sila sa kusina.", paalam niya kay Antonio.