CHAPTER 28: THE GUARDIAN ANGEL

13 0 0
                                    


Napatingin sina Antonio at Armando sa pagsabog sa itaas na deck. Nagulat si Antonio sa nakita, agad niyang tinalikuran si Armando at mabilis na tumakbo papunta sa gilid ng Yacht. Bumunot naman ng baril si Armando at nabaril niya si Antonio sa hita. Tumalon si Antonio palabas ng barko diretcho pababa sa dagat.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sinundan naman agad ng tingin ng lalaki kung saan bumagsak sa katubigan si Antonio ngunit hindi na niya siya nakita. Nilingon niya ang itaas na deck, nakita niyang nagliliyab ito sa apoy.


"Sir, evac has arrived.", sabi ng kaalyadong taga-EMPIRE sa suot na earpiece ni Armando. Roon, umalis na siya para hanapin si Catherine.


Makikita nang may ilang mga bangka at helicopter ang awtoridad na papunta sa barko. Agad namang nakatakas ang lahat ng natirang tao ng EMPIRE sa lugar. Lumipas pa ang oras at nailigtas na 'rin ng awtoridad ang mga tao at crew ng Super Yacht.


Mula sa kalayuan, nakita ni Lawrence ang mga nangyari sa nagliliyab na barko gamit ang binoculars.


"Nat?", tawag niya sa earpiece. "Antonio?".



"Naririnig niyo ba ako?!", kabang tanong ni Lawrence. "NAT! ANTONIO!".



"Diyos ko. 'Wag naman sana.", pag-aalalang bulong na lang ni Lawrence sa sarili.



____________________________________


[ANTONIO'S POV]


Ano na nga ba ang nangyayari?! Ano ba ang aming naging pagkukulang?!


Roon, bigla nang bumaba ng lipad ang Quinjet sa itaas lamang namin. Bumukas na ang likurang bahagi nito (Cargo Bay) para kami'y isakay.


"Pero papaano na 'yung ibang tao?!", pag-aalala ko nang tanong. Hindi sila maaaring maiwan!


"Alam na ng awtoridad ang nangyari. May parating na silang tulong. Hindi dapat nila kayo maabutan dyan!", dagdag ni Lawrence sa suot naming earpiece.


Pasakay na kami ni Natasha sa jet nang biglang may tumama sa pakpak nito. Sumabog ang bahagi nito at nawalan ng control ang jet habang sumadsad ang katawan nito sa katubigan. Naipilit pa ng piloto nitong maiahon at iligtas ang jet. Tuluyan na itong lumipad palayo at hindi na kami naka-alis ni Natasha.

EL KAPITANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon