Muling nagkita sila Natasha at Catherine sa MUNTING PAG-ASA.
Pansin ni Gardo at Antonio na may kakaiba sa pagkikita ng dalawa.
"Oh! 'Bat parang gulat kayo?", taka ni Gardo.
"Teka, magkakilala ba kayo?", habol pa niya.
Medyo nahimasmasan si Catherine, "Ah. H-hindi. Ngayon ko lang siya nakita."
"Sorry. May kamukha siyang kakilala ko.", sagot naman ni Natasha.
"Ahh... ganoon ba. Akala ko kung ano na eh.", sabi naman ni Gardo.
Dahan-dahang lumapit si Natasha kay Catherine.
"Hi. By the way, Natasha.", pakilala niya at nakipagkamay kay Catherine.
Kapansin-pansin na napakahigpit ng kamayan ng dalawa na para 'bang nanggigigil sa isa't-isa.
"Catherine.", pakilala rin niya kay Natasha.
"It's nice meeting you... Catherine..", sabi naman ni Natasha habang umupo siya sa harap nila Gardo. Tumingin naman siya kay Antonio para tumabi sa kanya.
Ngumisi na lang si Catherine, "Ikaw pala ang laging pinupunta ni Gardo rito."
"Sshhtt! 'Uy!", gulat naman ni Gardo.
Bahagyang tumingin si Catherine kay Gardo at bumulong, "Sino 'yun? 'Yung lalaking nasa tabi ni Natasha mo?"
Biglang nag-iba ang mood ni Gardo, "Antonio raw pangalan niya.", seryoso niyang sagot.
"Oh.. Antonio pala...", tanto naman ni Catherine.
"So, matagal na ba kayong magkakilala ni Gardo?", tanong naman ni Natasha.
"Oo. Years na rin. Maybe... seven? Yeah. 7 years.", sagot naman ni Catherine.
Sa gitna ng pag-uusap, biglang nag ring ang cellphone ni Catherine. Kinuha niya ang cellphone sa maliit niyang bag, nakita niyang may tumatawag... "M".
"Excuse me.", paalam ni Catherine at lumabas muna siya ng saglit.
"Ma'am.", sagot ni Catherine sa tawag.
(Nasaan ka?)
"Working."
(Puntahan mo 'ko sa mansyon, may pag-uusapan tayo.)
"Okay. Give me 2 hours."
Roon, agad nang tinapos ni Catherine ang tawag. Pumasok siya agad para magpaalam.
"Uy! Sorry ha. Kailangan ko na umalis. May emergency lang.", paalam niya.
"Ha?", tanong nama ni Gardo sabay tingin kay Natasha.
Tumayo si Gardo sa kinauupuan at kinuha ang susi sa bulsa, "Sige, ihatid na kita, Cath."
"Pasensya na kayo.", paumanhin niya naman kila Natasha at Antonio.
Nakangiti si Catherine kay Natasha at dahan-dahang tumalikod para maglakad palabas. Seryoso namang nakatingin si Natasha.
"Dito ka lang ha. Sandali lang.", paalam niya kay Antonio at agad na lumakad papunta kila Cathrine.
"Sige.", sagot niya naman.
Nang marating nila ang pintuan...
"Sige, mauna ka na. Mukhang may sasabihin si Natasha mo sa'kin.", sabi naman ni Catherine kay Gardo at nauna na nga siya sa sasakyan.

BINABASA MO ANG
EL KAPITAN
ActionA story of hope, second chances, loyalty, perseverance and love. Written based on brief historical and current day events. A man from the past, veteran, patriot wakes up to the modern day era to live his second life only to realize that he lost ever...