(Sa SHOOTING RANGE ng ALLIANCE Headquarters)
Napatingin si Dex sa orasan sa dingding.
[TIME: 10:45 PM]
"Ahh! Sige. Sige. Maraming salamat, Stephsis!", yukong pasalamat ni Dex.
"Batukan kaya kita, gusto mo?!", asar na sabi ni Stephanie at natatawa na lang si Dex.
"Biro lang. Heto naman... Mag-iingat ka pauwi ah.", paalam na ni Dex. Roon, muling hinawakan ni Stephanie ang sniper para iligpit.
Mabilis naman siyang pinigilan ni Dex, "A-a-ahh! No. Ako na... ako nang bahala magbalik niyan sa rack.".
"You sure? Okay lang naman.", insist naman ni Stephanie.
"Oo. Ako na dito. He he... Nakakahiya naman sa'yo kung ikaw pa eh pauwi ka na.", masayang sabi ni Dex.
"Ikaw ba, dito ka lang? 'di ka pa ba uuwi?", tanong ni Stephanie.
"Hindi eh. Stay-in na muna ako ngayon."
"I see.", tungo ni Stephanie. "Are you getting enough rest?".
"It depends. Madalas, hindi.", mahinang sagot ni Dex. Kita ni Stephanie ang pagod at puyat niya sa trabaho.
"I hope you don't overwork. Lalo na't nandito ka nakatira sa workplace mo.", concerned na tanong ni Stephanie.
"Ano ka ba.. I can manage! I-kamusta mo na lang ako kila Natasha pag-uwi mo. He he...", ngiting paalam pa ni Dex.
Nakatingin lang ng ilang segundo sa kanya si Stephanie, "Sige... you take care of yourself.".
Roon, umalis na si Stephanie at naiwan na si Dex habang hawak ang mga metal sheet.
Muli niya itong tinignan at bumulong sa sarili, "Hintayin niyo lang...".
"For the Captain.", taas noong bulong pa ni Dex habang nakangiti. Kita ang saya at determinasyon niya sa kanyang serbisyo.
Nagpatuloy lang sa trabaho at pananaliksik ng gabing iyon si Dex hanggang sa 'di na niya kayanin sa sobrang pagod at antok. Nakasubsob siyang nakatulog sa kanyang desk habang kaharap ang kanyang computer.
Lumipas ang mga araw, nagpatuloy lang si madam "M" sa pagbisita at pananatili ng kaayusan sa kanyang mga nasasakupan. Ang ALLIANCE naman, patuloy na gumagawa ng mga posibleng hakbang para mapanatili ang kaayusan at seguridad ng organisasyon.
[TIME: 8:00 AM]
Isang umaga, nagpunta muli si Antonio sa mansyon ni Natasha na may dalang malaking bouquet ng mga rosas. Kasabay niyang bumaba ng van sina Lawrence at Benjamin na may mga bitbit namang mga malalaking supot ng pagkain.

BINABASA MO ANG
EL KAPITAN
ActionA story of hope, second chances, loyalty, perseverance and love. Written based on brief historical and current day events. A man from the past, veteran, patriot wakes up to the modern day era to live his second life only to realize that he lost ever...