CHAPTER 9: THE MAN OUT OF TIME

13 0 0
                                        


Sa aming pagtuloy, may ilang lalaking tumitingin sa mga dala ng bawat taong dadaan (Guard). Nang makita nila si Natasha, yumuko na lamang sila at bumati sa kanya ng "Good afternoon, ma'am."


"Good afternoon.", ngiting tugon niya naman sa mga lalaki.


Nang ako na ang daraan, agad nila akong hinarang at tinanong.

"I.D niyo, sir?", tanong ng isa sa akin.

"Sir, bawal ho naka tsinelas dito.", puna naman ng isa niyang kasama.


Agad naman lumapit sa mga lalaki si Natasha, "Kasama ko siya.".

"Ah. Okay po, ma'am. Pasensya na po.", sabi bigla ng isang lalaki.

Gumilid naman ang isa pa niyang kasama para paraanin ako, "Sige, sir. Pasok na kayo."

"Sumunod ka lang sa'kin.", paalala muli sa'kin ni Natasha.


Pansin 'kong may ilang mga taong nakatingin sa akin. Hindi ko masabi kung ano ba ang iniisip nila.


Ilang sandali pa'y nakarating kami sa harapan ng isang malawak na pintuan (Elevator). Mukhang yari ito sa bakal, Pansin ko 'ring may mga numero ito sa itaas at tila mga pindutan sa gilid. Marahang nag-iiba ang bilang ng mga ilaw sa itaas at dumarami na ang mga taong naghihintay sa pagbukas nito. Ang ibang tao nama'y umaakyat na lamang sa hagdang nasa tabi nito.


Nang bumukas ang pintuan, walang taong nakasakay. Pumasok si Natasha sa loob maging ang iba pang kasabay namin maghintay.


Tumungo si Natasha sa akin para sumunod ako sa loob. Pumasok ako. Kulob ang loob at gaya ng sa labas ay may mga numero ring naka-ilaw at may maraming pindutan sa gilid na may mga bilang na hanggang dalawampu't isa.


Sa pagsara ng pintuan, binati siya ng iba pa naming kasama sa loob ng "Good afternoon, ma'am." at muli'y yumuko sila. Mukhang tanyag na tao itong si Natasha. Maraming kumikilala sa kanya't nagbibigay ng respeto.



Naramdaman kong gumalaw ang aking paligid, kakaiba. Napansin ko ring nag-iiba ang mga numero sa itaas, paakyat ang bilang nito. Sa bawat pagbukas ng pinto'y isa-isa ng lumabas ang aming mga kasama. Sa paghinto nito sa ika-pito...


"C'mon.", at nauna nang lumabas si Natasha at agad naman akong sumunod.


Habang naglalakad, ipinaliwanag niya sa akin ang pintuang yari sa bakal (Elevator). 

"Ang tawag sa sinakyan natin ay ELEVATOR. 'Yung mga napansin mong ilaw sa loob at labas ay mga floors o palapag, ang mga pindutan naman na may bilang sa gilid ay ang palapag na gusto 'mong puntahan.", paliwanag niya habang naglalakad.

"Ah.. sige. Tatandaan ko ang iyong sinabi.", sagot ko.


Sa aking pagmamasid-masid, may pumukaw sa aking atensyon. May nakita akong tila isang banyagang papalapit sa amin. Tila nakasuot rin siya ng itim, maayos ang kanyang pananamit (Formal). Sandali lamang, pamilyar ang kanyang hitsura. Isa ba siyang AMERIKANO?! Naririnig ko ang kanyang sinasabi sa parihabang bagay (cellphone). "Ah, yes. I'll meet someone at the US Embassy tomorrow. Yeah. Yeah. I know...".

EL KAPITANMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon